Bakit hindi kasali ang pusa sa Chinese Zodiac?
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - October 11, 2019 - 12:00am

Kuwentong Kutsero:

Ipinahayag ng Emperor sa buong kaharian na pipili siya ng 12 hayop na kakatawan sa bubuuin niyang Chinese Horoscope.

Nabalitaan iyon ng mag-bestfriend na daga at pusa.

“Beshie Daga, kapag nauna kang gumising bukas, pakigising mo rin ako para maaga tayong dumating sa pa-meeting ng Emperor.”

“Sige Besh, at kung ikaw naman ang mauunang gumising, gisingin mo rin ako, ha?”

Kinabukasan ng umaga, madilim-dilim pa ang langit ay nagising na ang daga. Hindi siya tumupad sa kasunduan na kung mauuna siyang magising ay gigisingin niya si Pusa. Nagbihis siya at agad umalis.

Tinanghali ng gising si Pusa. Nagmamadali siyang nagpunta sa palasyo pero natapos na ang pagpili ng emperor nang dumating siya. Sa sobrang galit ng pusa, hinabol niya si Daga at kinain ito. Simula noon naging magkaaway na silang mortal.

Si Daga lagi ang tumatakbo palayo kay Pusa dahil nagi-guilty siya sa kanyang ginawa.

Ang Totoong Kuwento:

Ang pusa ay hindi pa nakikilala sa China dahil noong panahong iyon ay maiilap pa silang mga hayop at nakatira lamang sa pusod ng kagubatan. Mga Egyptians lamang ang naglakas-loob na paamuin ang mga ito para maalagaan sa bahay. Egyptians ang nagpakilala at nagdala ng pusa sa China, 1,000 years pagkatapos nabuo ang Chinese Zodiac.

Kaya sa Egyptian at Babylonian zodiac lang may Cat. Ang Vietnamese zodiac ay kahawig ng Chinese pero tinanggal nila ang rabbit at pinalitan ng Cat.

CHINESE ZODIAC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with