‘Word war’ ng 3 police general
QUESEJODA - Butch M. Quejada (Pang-masa) - October 10, 2019 - 12:00am

NAALALA tuloy ng madlang people sa Philippines my Philippines noon na may special offer o reward money si Boss Digong sa mga ninja cops at protektor nito na makakapagturo, makakahuli patay man o buhay! Muli kasing nagulantang ang madlang public nang pumutok sa balita na may mga ninja cops na inilutang ang mga pangalan sa ginawang pagdinig sa Senado.

Hindi inaasahan na nagkaroon ng windangan sa ginawang im­bestigasyon sa recycling of drugs na nahuli sa Pampanga.

Sabi nga, billion of pesos ang pinag-partihan hindi pa kasama rito ang mga sasakyang pinag-uuwi raw ng mga foolish cops.

Nakaladkad tuloy ang pangalan ni CPNP Oscar Albayalde sa isyu ng recycling of drugs porke mga tuta este mali mga sanggang dikit niya ang policemen ang sinasabing grupong nakinabang sa hinu­ling droga?

Ika nga, sabit sa command responsibilities kung tutuusin.

Kaya naman sinasabing sinibak sina Albayalde et al sa Region 3 noon.

Ngayon dumadagundong ang ‘word war’ sa parte ni Albayalde, PDEA chief Aaron Aquino at siempre with very special participation ni dating PNP-CIDG director at ngayo’y Bagiuo City Mayor Benjie Magalong na siyang nagsiwalat ng recycled story at mga sinasabing involved sa illegal drugs sa Pampanga noon?

Kaya tuloy napanganga ang mga Senador sa ginawang executive session sa Senate ng kumanta sa tono si Magalong.

Ika nga, inginuso!

Ngayon narinig, nabasa at napanood ng madlang ang pinaguusapan natin issue.

Ano kaya ang hakbang ng Malacanang sa ikinanta ni Magalong ?

Mukhang wala ?

Bakit ?

“Yan ang itanong mo sa kanila.

Abangan.

OSCAR ALBAYALDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with