Dahil sa makakating palad, babae nanalo ng $50,000 jackpot sa lottery
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - October 10, 2019 - 12:00am

MALAKI ang pasasalamat ng isang babae sa Maryland, USA sa pamahiin matapos siyang bumili ng lottery ticket dahil sa makakating palad ng kanyang mga anak at manalo ng $50,000 (katumbas ng P2.5 milyon).

Ayon sa babae na kinilala lamang sa pangalang Lucy, sabay-sabay na nangati ang palad ng kanyang mga anak dahilan upang mapabili siya ng isang scratch-off na lottery ticket.

Bumili siya ng tig-$5 (katumbas ng P250) at iniuwi ito sa kanyang 36-anyos na anak, na siyang nakadiskubre na napanalunan nila ang $50,000 jackpot.

Buong pag-iingat ang ginawa ni Lucy sa ticket, na itinago niya sa ilalim ng kanyang unan hangga’t hindi nakukubra ang kanilang panalo.

Ngayong nakuha na niya ang premyo ay plano naman ni Lucy na gamitin ang pera sa pagbabakasyon. Plano rin niyang ipangtustos ito sa walo niyang apo.

LOTTERY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with