’Yang pag-aalok ng pagkain
DIKLAP - Ms. Anne (Philstar.com) - October 9, 2019 - 12:00am

NAG-ABALA akong umuwi sa malayong probinsiya para umatend ng funeral ng isang kamag-anak. Tamang-tama na oras ng tanghalian nang kami ay dumating kaya pagkatapos ng ilang minutong kumustahan ay inanyayahan kaming mag-asawa na kumain. Nagkataong nagugutom na kami kaya isang tawag lang sa amin ay kumain na kami.

Pagkatapos kumain ay nagbalik ako sa salas kung saan nakaburol ang patay at nakipagkuwentuhan sa ibang taong nakikiramay. Ang mister ko ay may pinuntahan. Tapos na ang lahat kumain nang dumating ang isang kapatid ng namatay. Palibhasa ay ako lang ang galing sa Maynila sa mga naroon, ako agad ang tinanong kung nagtanghalian na ako.

Sagot ko ay “Oo, katatapos lang” 

“E, totoo?”

Napangiti ako. Para kasing nagtanong sa bata na nagdududang nagsisinungaling.

“Oo, totoo”

Sumabat ang isang kamag-anak na nakasabay kong kumain, “Ito naman, sinagot na nga na kumain na siya…makulit!”

“E, paano, ang hirap alukin sa pagkain iyang si (pangalan ko)”.

Napahiya ako sa mga bisitang nakikiramay. Bukod sa maraming nakakarinig ay nakakainis ang tono at paraan ng pagkakabitaw ng salita.

Ang isinusumbat ay pangyayari ilang taon na ang nakakaraan. Busog na busog ako noong minsang dumalaw ako sa kanilang bahay. Inaalok ako ng banana cue. Siyempre’y bundat na ako sa kabusugan kaya tumanggi ako.

Ikalawang pangyayari ay inaalok ako ng almusal. Malayo pa lang ay nakita at naamoy kong ang fried rice ay maraming ­garlic. Naduduwal ako sa ganoong klaseng fried rice. Kaya tumanggi ako. Pero ang idinahilan ko lang ay busog ako. Marami pa kasing paliwanag kung sasabihin ko ang totoo.

Na-offend siguro sa dalawang pangyayari na tinanggihan ko ang pag-aalok niya ng pagkain kaya’t ako ay inakusahang “napakahirap alukin” ng pagkain. Sa mga ganitong pangyayari, hindi ko maiwasang magsisi kung bakit pa ako umuwi para umatend ng funeral. Sa halip na pasalamatan ako at inuwian ko ang funeral ng kanyang kapatid, sumbat pa ang aking napala tungkol sa isang bagay na matagal nang nangyari.

KAMAG-ANAK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with