^

Punto Mo

Pilosopo ka? Kuwidaw, mabi-BITAG ka!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MARAMI na ang nagtangkang bilugin ang ulo ko’t papaniwalain sa kanilang mga sumbong. Akala nila porke’t may paiyak-iyak o nakakaawang kuwento, kampi na ang BITAG sa kanila.

Kuwidaw, ‘wag sukatin ang pagiging maunawain, maawain at matulungin ng BITAG. Dahil sa proseso ng aming pag-iimbestiga, madaling lumabas ang totoo at walang lihim na hindi mabubunyag.

Tulad nitong complainant na dumulog kamakailan sa aming action center, dinadaan ako sa pagiging pilosopo niya. Gustong palabasin na wala siyang kasalanan kung bakit siya sinibak sa trabaho.

Etong si Kolokoy na housekeeping staff sa isang hotel, tinanggal sa trabaho dahil nakita raw ng security guard na pasuray-suray at amoy alak nang pumasok sa trabaho.

Pilit niyang itinatanggi na shenglot siyang nag-duty sa trabaho. Dalawang tagay lang daw ang nainom niya nang mapadaan sa okasyon ng pinsan kaya imposible raw na malasing siya.

Ayaw talagang umamin, kahit na nakasulat na sa kanyang memo ang pagkakasunud-sunod na pangyayari ng kanyang offense.

Tinawag ko ang aking dalawang body guards na retired army-rangers at licensed protective agents, pinatayo ko sa aking tabi.

Tulad ko na laking military, galit sila sa nagsisinungaling at namimilosopo. Nang tanungin ko ulit si Kolokoy, nakangisi na itong umaming, “lasing po.”

Bukod pa pala sa pagpasok ng lasing sa trabaho, may iba pang violations si Kolokoy. Minsan na siyang pumalpak sa inutos ng bisor, nahuling natutulog habang naka-duty, at gumamit ng banyo na dapat ay pang-guests lang. Susmaryosep! Kasibak-sibak nga talaga.

Mga boss, normal lang na magkamali. Ang importante, matuto sa mga nagawang kamalian para sa susunod, hindi na maulit pa.  

May estilo ang BITAG para madaling makita kung nagsisinungaling ang isang tao o nagsasabi ng totoo.

Libre lang ang serbisyo publikong ito at huwag sayangin ang oras ng BITAG para lang magpakampi lalo’t alam n’yo ang katotohanan.

Makikinig ako sa sumbong pero asahan mo, ora mismong madiskubre kong nagsisinungaling ang kausap ko. Ang nagrereklamo ang bi-BITAGin ko!

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with