^

Punto Mo

Batang lalaki, aksidenteng nanguna sa 10 km race nang maligaw sa ruta

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ALALANG-ALALA ang ina ng 9-anyos na si Kade Lovell nang hindi niya ito makita sa finish line ng 5 kilometer race na sinalihan nito noong Setyembre 21. 

Ginalugad na niya ang dinaanan ng karera kaya naiyak na siya nang walang makapagsabi kung nasaan ang kanyang anak.

Wala pala si Kade dahil naligaw ito sa ruta ng karera at napunta sa 10 kilometer race. Nalaman na lang ng kanyang ina ang nangyari nang may nakapagsabing may bata raw sa nasabing karera at nangunguna pa ito.

Ayon kay Kade, itinuluy-tuloy na lang niya ang pagtakbo nang may nagsabi sa kanyang tapusin na lang niya ang 10 kilometer race dahil dere-deretso na lang naman ang kaila-ngan niyang takbuhin.

Sinunod naman niya ang payo ng nakakatanda sa kanya kaya hindi siya tumigil sa pagtakbo kahit doble pa ang distansiya nito sa una niyang planong takbuhin.

Sa huli, hindi lamang natapos ni Kade ang karera dahil pinanalunan pa niya ito matapos takbuhin ang 10 kilometro sa loob lamang ng 48 minuto – na mas mabilis ng isang minuto sa 40-anyos na pumangalawa sa kanya.

vuukle comment

KADE LOVELL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with