Bakit ako?
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - October 3, 2019 - 12:00am

ISANG sikat na tennis player ang nagkaroon ng HIV mula sa contaminated blood transfusion noong inoperahan siya sa puso. Kumalat ang balita at maraming tagahanga ang nalungkot. Hindi mabilang na get well soon letters at cards ang kanyang natanggap mula sa kanyang mga tagahanga sa buong mundo.

Sabi ng isang tagahanga sa liham:

Sobra akong nalungkot sa nangyari sa iyo? Bakit kaya hinayaan ng Diyos na mangyari ito sa iyo ? Bakit ikaw?

Sinagot ng tennis player ang liham na iyon.

May isang batang nangarap na matutong maglaro ng tennis. Natuto naman siya kung paano ang tamang paglalaro nito. Nang naging adult, siya ay naging professional player at laging ipinapadala sa Tennis Tournaments sa buong mundo. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siyang may hawak na tropeo dahil siya ang tinanghal Wimbledon Champion. Ako ang bida sa kuwentong iyon.

Habang nasa tugatog ako ng tagumpay, hindi ko naisip na tanungin ang Diyos — Bakit ako? Kaya ngayong ako ay nasa panahon ng pagdurusa, wala akong karapatan na kuwestiyunin ang Diyos — na Bakit ako?

               

HIV
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with