Si Cayetano at ang Kamara
QUESEJODA - Butch M. Quejada (Pang-masa) - October 3, 2019 - 12:00am

HALOS two months pa lang ang nakalipas ay sangkaterbang panukalang batas ang nagawa sa ilalim ng pamamahala ni Speaker Alan Cayetano.

Sabi nga, 5,000 bills already files sa Kamara.

Ang mga gustong mga repormang sinabi ni Boss Digong sa SONA last July tulad ng iba’t ibang tax reform at economic reform bills, ay mabilis na naaksyunan  sa House. 

 Ang ikinagulat ng madlang Pinoy na pinakamalaking nagawa ng Kamara sa 1st two months pa lang ay ang pagpasasa este mali pagpasa pala ng 2020 National Budget ng Philippines my Philippines.

Sabi nga, last September 320 ito naipasa!

Sa third and final reading ang  House Bill No. 4228 o ang 2020 General Appropriations Bill o GAB, ilang minuto matapos naipasa rin sa plenaryo on second reading ang parehong bill. 

Bakit?

Sagot - dahil nasertipikahan ni Boss Digong na priority at urgent ang GAB. 

Bakit mabilis ang pagpasa nito?

Sagot - itinulak ni Cayetano sa mga kapwa niya kongresista na magtrabaho sa session sa loob ng sunud-sunod na siyam na araw.

Sabi nga, 10 hours  minsan tumatagal ang pagdinig sa badyet.

Kaya naman naipasa ang GAB kahit na napakahaba ang naging debatihan regarding this.

Bukod pa riyan masipag na rin sa pag-aattend ng session ang mga kongresista. Laging may quorum kaya’t madaling napapagdebatehan at naipapasa ang mga mahahalagang batas. 

Maganda ang record ng Kamara pagdating sa pagtatrabaho.

Naipakita ni Cayetano na kaya niyang pamunuan ang isang Kamara na masipag at  mapapagkatiwalaan at responsable. 

Ang problema marami pa rin ang critics dahil may mga maling alegasyon ang ibinibintang kaya mabilis na naipasa ang GAB.

Naku ha!

Ano ba naman ito?

Sabi nga, sala sa init, sala sa lamig!

May pork barrel daw ang mga kongresista patutsada ni Senator Ping Lacson.

Ano ba ‘yan !

Ang pagbuo pala ng Small Committee ay matagal ng ginagawa sa Kongreso, noong 8th Congress pa sa panahon ni Senate President Jovito Salonga. 

Sa dami ng miyembro sa Kamara ay kailangan talaga ang komiteng ito para maging maayos ang pagtakalakay sa napakadaming amendments. 

Ilang beses ng  tiniyak  ni Cayetano na walang ‘pork’ sa badyet pero pinipilit pa rin na meron kahit walang pruweba. 

Sabi nga ni Cayetano , “kung may makita kayong pork sa badyet, ituro ‘nyo at tatanggalin natin.’ Ganun lang kasimple. 

Bukas naman ang lahat ng dokumento patungkol sa budget kaya’t madaling makita kung may kahina-hinala dito. 

Panahon ngayon ng social media at internet kung lahat ay naka-upload at post online, meron pa bang maitatago? 

Ano sa palagay ninyo ?

Ang lumalabas tuloy niyan ay nagiging mga ‘obstructionists’ ang mga kontrabida na hadlang at laban sa mga reporma ni Boss Digong.

ALAN CAYETANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with