Ang pinaka-matibay
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - October 2, 2019 - 12:00am

NAGPAPAYABANGAN ang mga puno sa bundok. Ang palagay ng bawat isa ay siya ang pinakamatibay at pinakamaga-ling na puno sa buong kabundukan.

“Ako ang pinakamatibay dahil ako lang ang nakaabot ng isandaang taon,” sabi ng mataba at matandang puno

“Huuuu…wala sa edad ‘yan! Umabot ka ng isandaang taon dahil tuwing may makakakursunada sa iyo para lagariin at gawing poste ng bahay ay nagmamakaawa ka sa tao na huwag kang putulin,” sagot ng isang puno.

“Oo, nga. Tama ba ‘yung tumanggi kang maging kapaki-pakinabang sa mga tao? Pagdating ko sa tamang gulang at napili ako para gawing bahay ng mga tao ay hindi ako tatanggi. May tiwala ako sa aking kakayahang maging matibay na haligi o kisame ng bahay.”

Ang usapan ng tatlong puno na nasa ibabang bahagi ng bundok ay naririnig pala ng mga punong nasa tuktok ng bundok. Sabi nito sa katabing puno:

“Buti pa sila… matitibay at magagaling na puno. Kaya sila ang laging napipili para gamitin sa pagtatayo ng mga bahay at gusali.”

“Totoo ‘yan. Samantalang tayo ay hindi man lang pinapansin ng mga tao. Siguro ay mahinang puno ang tingin nila sa atin. Sana minsan ay magustuhan tayong gamitin ng tao para sa kanilang bahay o gusali.”

Isang araw ay may mga kalalakihang umakyat sa bundok. Pumipili sila ng mga punong gagamitin para sa itinatayong eskuwelahan. Excited ang lahat ng mga puno. Lahat ay nag­hahangad na mapili para maging bahagi sa pagpapaunlad ng karunungan sa sangkatauhan.  

Sabi ng lalaki na siyang superbisor sa grupo. “Doon tayo sa tuktok ng bundok kumuha ng puno.”

“Sir, bakit doon?”

“Ang matitibay na puno ay sa tuktok ng bundok matatagpuan. Ang mga puno doon ang laging nasesentruhan ng bagyo pero tingnan ninyo, nananatili pa rin silang nakatayo nang buong tatag. Magandang gamitin ang mga punong subok na ng panahon.”

KABUNDUKAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with