_pang-masa
^

Punto Mo

Naaksidenteng pilotong estudyante, humihingi ng hustisya

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

SA eskuwelahan sinisimulan ng mga kabataang tuparin ang kanilang mga pangarap. Pero paano kung sa paaralan pala masisira ang inaasam nilang magandang kinabukasan?

Kasama ang mga magulang, bumaba mula Binalonan, Pangasinan ang isang pilot student para lumapit sa tanggapan ng BITAG. Estudyante siya ng WCC Aeronautical and Technological College sa Pangasinan. Sa ika-4 na buwan ng kanyang training, isang aksidente ang nagpabago ng kanyang buhay. Ito rin ang dahilan kung bakit niya sinadya ang aking tanggapan kasama ang mga magulang.

Taong 2017, habang nasa flight testing kasama ang kanyang instructor, nagkaroon ng engine failure ang eroplano. Nag-crash ito at siya ang lubhang naapektuhan. Nakaligtas ang kasamang instructor habang ang estudyante, 75% ng kanyang katawan at mukha ay natusta. Umabot ng P20 million ang ginastos ng kanyang pamilya.

Eto ang siste, ang eskuwelahan, patay- malisya, missing in action sa pagtatago sa biktima at pamilya nito. Magdadalawang taon nang nangyari ang aksidente pero ang WCC, P500,000 lamang ang ibinigay sa estudyante. Hindi na rin nakikipag-usap ang WCC kaya nagsampa na sila ng reklamo sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Masama ang loob ng estudyante at kanyang mga magulang dahil ni isang beses, hindi nakipag-ugnayan sa kanila ang WCC. He did not showed even a piece of compassion to his fellow pilot.

Here’s also the catch, mas malaki pa ang insurance ng eroplano kaysa sa insurance ng pilotong nakasakay. Naloko na! Mas importante ang eroplano kaysa buhay ng tao! O, ito pang isa, imbes makatulong, dumagdag pa sa problema ang slow put ng CAAP. Simula magreklamo ang biktima noong 2017, hanggang ngayon, ni ha ni ho, walang nasisimulan, walang nangyayari.

Kami nga sa BITAG Pambansang Sumbungan, isang text message lang ang natanggap na sagot mula sa CAAP. Bibigyan na lamang daw kami ng update. Aba’y meron nga ba o sadyang wala kayong silbi? Kung wala kayong yagbols sa CAAP para ipatawag ang pamunuan ng WCC Aeronautical and Technological College, uumpisahan ko na sa column ko na ito.

Sa may-ari ng WCC, Mr. Ramon Juico III, baka nakakalimutan mo na bilang may-ari ay meron kang moral and social responsibility sa lahat ng estudyante at empleyado mo. Nagtiwala sa iyong institusyon ang estudyante, higit sa lahat ang mga magulang nito. Siguro naman, naiintindihan mo ang salitang “mental anguish?” Piloto ka rin  hindi ba? Pakita ka naman ng respeto’t awa sa kapwa mo piloto, may pananagutan ka rito boss!

Para naman sa CAAP, shame on you if you’re foot-dragging the investigation. Mga putok sa buhong pendeho ang tawag ko sa mga nagpapalaki lang ng bombolyas at inutil na otoridad. Isa ba kayo diyan sa CAAP?

Hindi pa rito natatapos ang BITAG, nag-uumpisa pa lang kami. Di namin titigilan ang pagtutok sa kasong ito hangga’t makamit ng estudyante’t kanyang pamilya ang hustisya. Malalantad at mapapahiya ang nagpabaya, nandedma at nagsantabi ng imbestigasyon ng kasong ito. Itaga n’yo ito sa bato, WCC at CAAP!

CIVIL AVIATION AUTHORITY OF THE PHILIPPINES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with