Bantayan para di-matakasan ng drug courier
QUESEJODA - Butch M. Quejada (Pang-masa) - October 1, 2019 - 12:00am

NATAKASAN ng drug mule ang mga authorities sa NAIA nang maramdaman nitong sabit ang mga kilu-kilong droga na bitbit niya sa bagahe kaya naman nagpaalam itong jumingle habang dinadaan sa x-ray machine ang kanyang epektos.

Sabi ng mga airport observers, buti na lang at tanga ang drug mule dahil inilagay nito ang tunay na tirahan niya sa Tarlac kaya ito nasungkit sa follow-up operations.

Kung nagkataon katakut-takot na sabunan ang nangyari dahil huli na ang kolokoy nakawala pa.

Sabi nga, P35 million lang naman ang drogang nahuli.

Talagang maganda ang ugnayan ng Philippines my Philippines drug enforcement sa kanilang mga drug counter part abroad.

Hindi birong ‘tip’ ang ibinigay para mahuli ang mga dalang droga ng isang Orbillo Nazarene.

Ayon sa kuento, pa-trabaho ng ‘Golden Triangle’ drug syndicate ang mga shabu na nahuli sa NAIA.

Ang suspect ay galing Cambodia dahil walang direct flight to Manila galing dito, nagpunta ito ng Hanoi, Vietnam, para dito sumakay ng eroplano papuntang NAIA.

Hindi birong kaso ang isasampa laban sa suspect lalo’t kung hindi ito makikipagtulungan kung kanino ibabagsak ang droga.

Samantala, sinabi ni Atty. Lourdes Mangaong, NAIA deputy Collector for Passengers Services, na dapat may kasanayan ang mga drug enforcers na humuhuli sa mga drug suspects sa NAIA tulad ng mga Customs Police at Customs narcotics group para hindi nakakatakas ang suspect na nagbabantay na taga ibang ahensiya.

Abangan.

NAIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with