‘TV’
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - September 30, 2019 - 12:00am

(Last Part)

SIMULA noon, hindi na kami nanood ng TV kina Marlyn. Sa ibang kalye na kami dumadayo dahil mura lamang ang bayad, singko sentimos lang.

Isang araw, nagkaroon ng field trip sa Bundok Makiling ang mga Girl Scouts sa aming paaralan. Sa iisang jeep kami nakasakay ni Marlyn. Jeep lang ang inaarkilang sasakyan noon kapag may field trip. Bawal magsama ng magulang kaya si-nigurado ng aking nanay na kumpleto ako — mula sa pagkain hanggang ekstrang underwear at toilet paper.

Nang pauwi na kami ay nakiusap ang aking mga kasamang Girl Scouts sa aming titser na itigil  ang jeep para umihi. Itinigil kami sa may kakahuyan. Binitbit ko ang aking baon na toilet paper. Kanya-kanya kaming kubli sa malalaking puno para doon umihi. May isang Girl Scout na nagsalita nang malakas: “Girls, sino sa inyo ang may toilet paper? Kailangan ni Marlyn…napapupu siya.”

May mahaderang sumagot. Isinigaw ang aking pangalan na maraming dalang toilet paper. Dali-dali kong tinapos ang aking pag-ihi at patakbong nagbalik sa jeep. Nang nasa jeep na kami ay umiyak si Marlyn nang may pumunang amoy pupu siya. Nagsumbong sa titser na hindi ko raw siya binigyan ng toilet paper kaya  nangangamoy siya. Ang depensa ko’y hindi naman siya humingi sa akin kaya bakit ko siya bibigyan.

Fast forward. Adult na kami. Nasa labas ako ng aming bahay sa probinsiya nang may dumaan na isang babae. Napansin ko siya dahil sobra ang kapayatan nito. Hindi maipagkakailang may sakit. Tinanong ko ang aking pinsan kung sino siya. “Si Marlyn, ang matalik mong kaaway noong araw. May TB (tuberculosis) siya kaya ganoon ang hitsura.”

Ang babaing nagdamot ng kanilang TV noong araw ay may sakit na TB ngayon.

TV
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with