Rep. Lord Velasco nag-thank you kay Digong
QUESEJODA - Butch M. Quejada (Pang-masa) - September 28, 2019 - 12:00am

PINURI ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco si Boss Digong sa pagpirma nito para maging ganap na batas ang ‘Judges - at Large Act’ of 2019. 

Sabi nga, iba ka talaga Mr. President!

Si Velasco ang pangunahing may akda ng batas na ito para sa pagtalaga ng mga judges - at - large sa mga trial courts kung saan ang disposisyon ng mga case problem dito ay mabagal.

Ikinuento ni Velasco, ang Judges - at - Large Act of 2019, na pinirmahan ni Boss Digong noong August 30, ay nagbibigay para sa appointment ng may 100 regional trial judges - at - large at 50 municipal trial judges - at - large.

Sabi ni Velasco sa ilalim ng novel law, ang Supreme Court ay maaaring magtalaga ng mga judges - at - large sa anumang rehiyon at municipal trial court bilang acting o assisting judges sa anumang rehiyon at municipal trial court bilang paraan para ma-decongest ang sala ng mga nakabinbing kaso.

‘This law was basically aimed at addressing the worsening docket load in the judiciary.’ birada ni Velasco, anak ni retired Supreme Court Justice Presbiterio Velasco.

Masaya si Velasco, na ang kanyang panukala nakahanap para bumuo ng tiwala at kumpiansa sa sistema ng hukuman ay isa ng batas.

Ibinida ni Velasco, ang kanyang erpat ay isang dating Supreme Court justice kaya alam niya ang Philippine courts ay dapat may mga bagong panukala para mapabilis ang judicial mill.

Pinasalamatan at binati ni Velasco ang kanyang mga counterpart na mga mambabatas sa Senado at sa kanyang kapwa kongresista na tumulak at sumuporta sa pagpasa ng Judges - At - Large proposal.

• • • • • •

Bakit si Boss Digong pa ang magbabanggit ng mga pangalan ng ninja cops?

Napapailing tayo sa ilang Senador kung bakit ipinasa pa ng mga ito kay Boss Digong ang narco-list kung saan andoon ang pangalan ng mga ‘ninja cops’ at iba pang people from the government na sangkot sa illegal drugs.

Bakit?

Para raw si Boss Digong ang magbanggit sa madlang public ng mga pangalan ng mga ninja cops.

Bakit hindi pa ang mga Senador ang magbanggit ng mga pa-ngalan sa hawak nilang listahan hindi ba nila alam na masiadong busy si Boss Digong pati pagbasa ng mga pangalan ay gusto pa ang huli ang magsabi sa publiko.

Ano ba ito?

Sabi nga, mukhang ‘hugas kamay’ para nga naman kung may sumabit, hindi sila ang nagsalita kundi si Boss Digong.

Verified reports na daw ang mga nasa talaan ng narco-list na ikinanta ni Mayor Benjie Magalong sa executive session the other week regarding sa mga kagaguhan ng ninja cops.

Ano kaya ang tunay na dahilan kung bakit ayaw ikanta ng ilang Senador ang ikinanta ni Magalong sa kanila at si Boss Digong pa ang gusto nilang mag-sing a song para sa kanila? Abangan!

LORD VELASCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with