^

Punto Mo

Pinakamalaking ‘rocky road’ sa mundo, niluto sa England

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG bagong Guinness World Record ang naitala para sa pinakamalaking rocky road sa mundo.

Nagtulong ang “big food” enthusiast na si Matthew Williams at ang isang charity group upang lutuin ang record-breaking na rocky road, na binubuo ng 96 kilogram ng biscuits, 44 kg ng butter, 46 kg ng marshmallows, 95 kg ng chocolate, 23 kg ng cherries at 36 kg ng golden syrup.

Ang higanteng tipak ng rocky road ay may bigat na 334.23 kg, at may habang 3.1 meter, lapad na 1 meter at kapal na 0.14 meter.

Inabot ng dalawang araw ang isang team na binubuo ng pitong miyembro upang magawa ang rocky road.

Bago ito, inabot ang grupo ng anim na buwan na pagpaplano bago nila niluto ang rocky road. Kailangan daw kasi nilang piliin ang mga tamang kagamitan at sangkap dahil ibebenta rin nila ang rocky road sa publiko kapag nakumpirma nang nakuha na nila ang world record.

Ipinagmamalaki naman ni Matthew na sa kabila ng pagiging pito lang nila sa grupo, nahigitan nila ang dating world record, na isang tipak ng rocky road na nasa 261 kilos ang timbang at ginawa ng 16 katao sa isang factory.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with