Dorobong Chinese nationals, ginugulo ang peaceful PH
QUESEJODA - Butch M. Quejada (Pang-masa) - September 24, 2019 - 12:00am

TUMITINDI ang dami ng mga ‘dorobong’ Chinese natio­nals na sangkot sa iba’t-ibang krimen sa Philippines my Philippines tulad ng kidnapping, investment fraud, rape, druglords, drug courier, drug chemist, echetera-echetera.

Sabi nga, ginugulo ang ‘peaceful’ PH!

Bakit na naman?

Last Sept. 21, sa NAIA Terminal 3, gate 7 ng departure area, pitong unggoy este mali Chinese nationals pala ang pilit na pinasasakay ang isa nilang kababayan sa nakaparadang Toyota Hi-Ace van sa nasabing lugar.

Ika nga, batok, suntok at sipa ang inabot nito sa kanyang mga abductors.

Salamat kay Lord, buti nahuli ang mga hunghang ng mga airport security, tuloy ang mga suspects ay nai-turnover na sa PNP - Anti Kidnapping Group.

Sa pitong Chinese nationals na sangkot sa kidnapping tatlo sa mga ito ang nagpanggap na pasahero at mabilis na tumakbo sa loob ng NAIA para magkunwari na sila ay natatakot sa nangyayaring kaguluhan sa labas ng lobby.

Pero hindi kinagat ng mga security people ang palusot ng mga hunghang dahil binitbit din sila ng mga ito para ibigay sa PNP - AKG.

Ano ang pinagmulan ng abduction?

Sa kuento, utang sa casino na hindi binayaran daw ng nabaon na sugarol na intsik, para makapag-bayad ang modus ay dudukutin sana ito sa NAIA para ang magulang niya from China ang maglabas ng pitsa bilang ransom money oras na itinawag ito doon at mabayaran ang sindikato.

Ang hindi alam ng mga abductors napakahigpit ng security measures na ipinatutupad ni MIAA general manager Ed Monreal sa NAIA, dahil hindi nila kabisado ang lugar...hayun sa awa ni Lord sa kalaboso ang bagsak nilang pito.

Ika nga, himas rehas!

Kambiyo issue, napapansin na at nababahala ang madlang Pinoy dahil kung saan,saan lugar sa Philippines my Philippines nangyayari ang kidnapping ng mga Chinese nationals versus Chinese nationals na lulon sa sugal dahil hindi na nila mabayaran sa sindikato ang malaking utang nila kaya tuloy pati ang ating mga autoridad ay nado-doble ang trabaho sa paghuli sa mga hunghang na ito.

Ang problema ay walang magagawa ang gobierno kung hindi tulungan ang mga biktima dahil ang lahat ng madlang people sa Philippines my Philippines ay dapat bigyan ng proteksyon at seguridad.

Tama ba?

Ayos!

Abangan.

CHINESE NATIO­NALS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with