^

Punto Mo

Military base sa Nevada, dinagsa ng mga gustong makakita ng alien

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DOSE-DOSENANG mga UFO enthusiasts ang dumagsa sa Nevada nitong isang linggo upang puntahan ang U.S. military base na kilala sa tawag na Area 51, na matagal nang usap-usapan na pinagtataguan ng mga sikreto ng gobyerno ng US ukol sa mga alien.

Dahil sa rami ng taong inaasahang pupunta sa Area 51, dinagdagan ng mga kinauukulan ang seguridad sa paligid ng military base.

Unang nagdagsaan ang mga “bisita” ng Area 51 sa Rachel, na pinakamalapit na bayan sa military site.

Nasa 240 km hilaga ng Las Vegas ang liblib na bayan na nasa 50 lamang ang permanenteng residente. Sa sobrang liblib ng Rachel, ni walang grocery store o gasoline station sa lugar.

Nagsimula ang lahat sa nag-viral na imbitasyon sa social-media na nag-aaya sa mga taong “sugurin” ang Area 51 ngayong Setyembre upang makita ang mga sikretong itinatago sa loob nito. Pabirong sinabi sa imbitasyon na hindi makakayang pigilan ng mga sundalo sa Area 51 na pigilan ang nga susugod kung marami naman ang lalahok.

Bagama’t nasa 1.6 milyon Facebook users ang nagsabing lalahok sila sa planong pagsugod at 1.2 milyon naman ang nagpakita ng interes, nasa 3,000 lang ang sumipot sa mga kalapit na lugar sa Area 51.

May mga mangilan-ngilan na naging pag-aresto ngunit naging mapayapa naman ang naging pagtitipon sa may Area 51. Pinayagan ng mga sundalo na manatili ang mga tao malapit sa military base upang makita nila ito  ngunit wala silang pinahintulutang makatapak sa loob nito.

vuukle comment

UFO ENTHUSIASTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with