^

Punto Mo

Sampaloc drug queen, ipinahiya si Domagoso!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

HALOS nabura ang mga naipundar na accomplishments ni idol Manila Mayor Francisco Domagoso dito sa recycling operation ng drug queen sa Sampaloc at ng mga alipores n’yang mga “ninja’ cops. Umani nang sangkaterbang papuri itong si Domagoso bunga sa paglinis n’ya ng Divisoria, pagbalik sa tao ng bangketa at pagbawal ng parking sa mga kalsada. Subalit kahit anong linis at ganda na ng Maynila, nadungisan ito sa patuloy na recycling ng shabu ng drug queen at mga ninja cops at mukhang walang kasagutan dito si Domagoso. Sa bibig mismo ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director Aaron Aquino namutawi na binibili ni drug queen at ninja cops ang mga nakumpiskang shabu at ibinabalik ito sa kalye. Araguuyyy! Matindi itong ibinulgar ni Aquino dahil lumalabas na walang takot itong si drug queen sa war vs illegal drugs ni Pres. Digong, di ba mga kosa? Sinabi ni kosang Jimmy Mendoza na ibinunyag na ni Aquino noong Huwebes ang 15 na ninja cops at isa sa kanila ay dedo na samantalang ang isa naman ay AWOL. Ang natirang 13 ay aktibo pa sa serbisyo.  Ano ba ‘yan? Ang bago lang, nagkausap na sina Aquino at NCRPO chief Maj. Gen. Guillermo ELeazar kung paano bubuwagin ang grupo nitong drug queen bago pa lumala ang problema ng droga sa Maynila. Hak hak hak! Paandarin mo ang intel mo kosang Rambo Labay at t’yak maaarok mo kung sino itong si drug queen. Tumpak!

Sinabi ni Aquino na nakapagbenta ng halos dalawang kilo ng shabu itong tropa ni drug queen sa dalawang kalye ng Sampaloc. Kung ang isang kilo ay nagkakahalagang P6 milyon, eh arok n’yo na mga kosa kung magkano ang iniakyat nitong recycling ng shabu kay drug queen. Ayon pa kay Aquino, ilang beses na ring tinangkang hulihin ng PDEA at National Bureau of Investigation (NBI) itong si drug queen subalit me sa-palos ito at palaging nakaigtad bago masakote s’ya sa mga lungga n’ya. Araguuyyy! Kumpleto rekado ang nakapaligid dito kay drug queen dahil hindi lang pulis ang protektor n’ya kundi maging mga pulitiko. Araguuyyy! Get’s n’yo na mga kosa kung bakit nahihirapan ang mga law enforcement agencies natin na ma-nuetralize itong si drug queen? Parang tukoy na din ni Eleazar kung sino itong si drug queen dahil tahasang sinabi n’ya na maging ang liderato n’ya ay tatlong beses ding nagtangkang arestuhin itong si drug queen subalit bigo din s’ya. Me napatay pa nga silang alalay nito at madami ang naaresto subalit tuloy pa din pala ang operation ni drug queen. Hanggang kelan kaya ang maliligayang araw ni drug queen? ‘Yan po ang tanong! Hak hak hak! Kung kumpleto rekado na ang ebidensiya nitong PDEA at NCRPO, ano pa ang hinihintay nila? Lusubin na ang kaharian ni drug queen para isulong lalo ang kampanya ni Digong vs droga at sa gayon di mapahiya si Domagoso. Tumpak!

Kung halos gabi-gabi nagroronda itong si Domagoso sa kalye ng Maynila, siguro napapanahon na para sa pugad ni drug queen naman s’ya magpuyat, magdala ng yantok at megaphone at ibando ang kampanya n’ya laban sa droga. ‘Wag magpatumpik-tumpik si idol dahil baka dumating ang panahon na maging shabu capital itong Maynila kapag hindi n’ya nasawata itong operation ni drug queen at mga alipores n’ya, di ba Maj. Rosalino Ibay Jr., ang SMART chief Sir?  Abangan!

 

vuukle comment

DRUG QUEEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with