Gulay kontra sa baboy
(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo (Pang-masa) - September 22, 2019 - 12:00am

BAGAMAN, mainit sa kasalukuyan ang isyu ng African Swine Fever na pumatay na ng maraming baboy sa maraming bahagi ng bansa, hindi maaapektuhan dito ang tao kaya ligtas pa ring kumain ng karne ng hayop na ito batay sa pahayag ng mga awtoridad.

Pero, meron namang ibang dahilan para maghinay-hinay sa pagkain ng karne ng baboy at ng ibang hayop.

Sa resulta ng isang pag-aaral na isinagawa sa loob ng 29 na taon at nalathala sa Journal of the American Heart Association noong nakaraang buwan, ipinahihiwatig nito na mas malaki ang bentahe ng mga kumakain ng gulay kaysa sa mga kumakain ng hayop pagdating sa pangmatagalang mabuting kalusugan.

Sinabi ng study author na si Casey Rebholz na dapat kumain ang mga tao ng mas mara-ming gulay, nuts,  grains, prutas, legumes at limitahan ang pagkain ng mga karne ng hayop. 

Ayon sa naturang pag-aaral, ang mga tao na kumakain ng mas maraming gulay at ibang halaman at kumukonsumo lang o hindi na kumukonsumo ng processed o red meat ay merong average na 18 to 25% lower risk of death kaysa sa mga tao na regular at mas madalas kumakain ng karne at ibang animal product. Bukod dito, ang mga kumakain ng gulay ay nagiging mas malusog ang puso, nababawasan ang peligro sa atake sa puso at stroke at pagkamatay sa mga problema sa puso.

Hindi naman sinasabing huwag nang kumain ng karne. Idinidiin lang na mas mainam sa kalusugan ang gulay, olive oil, nuts and seeds, oily fish tulad ng salmon, keso, yogurt at manok.

Isa anila itong dagdag na ebidensiya sa mga naunang datos na hindi magandang kainin para sa mas mahaba at malusog na buhay ang mga karne lalo na ang red meat at ibang animal product na mataas sa saturated fat  (tulad ng mantika).  Sinasabi rin sa iba pang pag-aaral na mapanganib sa kalusugan ng tao at konektado sa mas maagang pagkamatay at mas maraming kaso ng kanser ang mga processed meat na tulad ng hot dogs, sausages, bacon, at luncheon meats.

Sinasabi pa na, bagaman ang karne ay nagbibigay nang maraming protina sa katawan ng tao, wala namang fiber ang mga ito na hindi tulad ng mga gulay na mayaman sa fiber at puno ng phytochemical na panlaban sa mga sakit.

Bagaman may iba pang mga dahilan na nagpapadali sa buhay ng tao tulad ng alak at sigarilyo, ayon sa mga study author, malaki pa rin ang kaibahan kung kakain ng mas maraming gulay dahil napapababa ang presyon ng dugo at cholesterol, at nababawasan ang inflammation. 

Si Harvard nutrition researcher  Dr. Walter Willett na tatlong dekada nang nagsasagawa ng pag-aaral sa healthy eating ay nagpahiwatig din na nakakasama sa mga tao at sa kanilang mga anak at apo ang pagkain ng karne.  Pero hindi naman niya iminumungkahi na itigil na ng mga tao ang pagkain ng karne. Sa halip aniya, dapat prayoridad sa pagkain ang mga protein sources kabilang ang nuts, oily fish, at beans habang nililimitahan ang pagkain ng  karne ng baka at baboy.

Email: rbernardo2001@hotmail.com

GULAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with