^

Punto Mo

Cancer survivor, nilangoy ang english channel ng 4 na beses na walang tigil

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG US endurance swimmer ang naging kauna-una-hang tao na walang tigil na lumangoy patawid ng English Channel ng apat na beses. 

Ginawa ng 37-anyos na si Sarah Thomas ang kanyang record-breaking na paglangoy isang taon matapos siyang gamutin para sa breast cancer, kaya naman dedicated ang kanyang ginawa sa mga kapwa niya cancer survivor.

Narating niya ang baybayin ng Dover sa United Kingdom nito lamang nakaraang Martes na pagod na pagod at may sore throat dahil sa nainom niyang tubig alat.

Dapat sana ay nasa 128 kilometro lamang ang kanyang lalanguyin ngunit dahil sa lakas ng alon, naging 200 kilometro ito.

May apat nang mga swimmer dati ang walang tigil na nakalangoy ng tatlong beses  sa makipot na bahagi ng dagat sa pagitan ng England at France ngunit si Thomas pa lamang ang nakagawa nito ng apat na beses.

vuukle comment

CANCER SURVIVOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with