Bakit pa, MMDA?
QUESEJODA - Butch M. Quejada (Pang-masa) - September 21, 2019 - 12:00am

MUKHANG maraming gustong gawin ang MMDA kaya naman sangkaterba ang nabubuwisit sa style nila kasi pangarap pala nila ngayon ang mabigyan sila ng police powers para raw disiplinahin ang mga drivers at maayos ang case problem ng traffic sa Metro - Manila. Sabi nga, ayaw na nila ang silbato kundi boga na, Naku ha ! Ano ba ito ? Ang birada nga ni Rep.  Garbin, Jr., hindi na dapat magpalusot ang MMDA tungkol  sa kabiguang ayusin ang trapiko dahil kung tutuusin ay sapat na ang kapangyarihan ng ahensya para hulihin ang mga pasaway na motorista.

Tumpak naman!

Bakit? 

Sagot - respetuhan lang ang kailangan sa pagitan ng hinuhuli at nanghuhuli.

Sabi nga, disiplina!

Hindi na kailangan ang police power sa MMDA traffic people.

Bakit? 

Kulang sila sa experience kung binigyan sila ng boga. 

Sabi nga, mahirap na!

Baka lalong umabuso at hindi mokontrol, lalo lang lalaki ang problema!

Ano sa palagay ninyo?

• • • • • •

Ang UPLB

Inaanyayahan ng Youth Advocates for Peace with Justice - UPLB ang lahat na dumalo sa ikakasang pagkilos ng buong komunidad ng UPLB ngayon 4pm sa Hagdan ng Malayang Kamalayan. 

Ito ay bilang pag-alala sa mga biktima ng karahasan ng Batas Militar ni Marcos at ang patuloy na paglaban ng mamamayan sa mga inhustisya  sa ilalim ng rehimeng Duterte. 

Magkita kita tayo! Magsuot ng itim!

MMDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with