^

Punto Mo

Sugar Mommy (150)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ITINUTOK ni Jericho ang sarili sa pagtatrabaho sa car care center bilang supervisor. Marami na siyang hawak na tauhan na pawang mga Pinoy na mekaniko. Sinisiguro niyang maganda ang serbisyo ng kanilang kompanya sa mga customer. Hindi niya hinahayaang masira sila kaya bago ilabas sa kanilang shop ang mga pinaayos na kotse, dinudoble niya ang pag-checkup.

Dahil sa magandang pamamahala ni Jericho, lalo siyang naging paborito ng kanilang manager na si Saeed Al-Ghamdi. Bukod sa tinaasan muli siya ng suweldo ay inoperan pa siya nito na maaaring dalhin ang asawa rito sa Kingdom. Pero sabi ni Jericho sa mabait na ma-nager, wala pa siyang asawa. Nagtawa ang manager, kapag nagkaasawa raw si Jericho, puwede niyang isama kahit kailan gusto. Ang kompan­ya ang magbabayad ng mga kailangang fee sa pagdalaw ng asawa.

“Shokran, moder. I appreciated,” sabi niya sa kanyang manager na si Al-Ghamdi.

Nang makaalis ang ma-nager, nag-imagine si Jericho na sana kung sila ni Jane ang magkatuluyan, dadalhin niya rito. Sigurado na siya sa sarili na mahal niya si Jane kahit pa malaki ang agwat ng edad nila. Wala namang problema sa edad. Katwiran ni Jericho, kapag mahal niya ang isang babae, hindi na niya tinitingnan kung malaki ang agwat ng kanilang edad. E ano kung matanda sa kanya si Jane. Basta mahal niya, wala siyang paki sa sasabihin ng iba.

Sa gabi, kapag matutulog na, si Jane ang laman ng isip ni Jericho. Lagi niyang nai-imagine ang magandang mukha ni Jane. Kahit may edad na, hindi halata dahil alagang-alaga ang katawan. Sexy pa rin si Jane.

Naitanong niya sa sarili, ano kaya ang buhay ni Jane sa probinsiya.

Nahihirapan kaya dahil malayo sa lungsod?

Pero sabi naman ni Manong Sixto, enjoy daw sa probinsiya si Jane. Gustung-gusto ang buhay doon. Pawang sariwa ang gulay at prutas. Ang nalalanghap na hangin ay sariwa.

Nami-miss na niya si Jane. Gusto niya itong makita.

Jane! Jane!

Pagkatapos ay huminga nang malalim si Jericho.

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with