^

Punto Mo

Gaano kalaki si Hesus?

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

“GAANO ba kalaki si Hesus Papa ? ”

Naitanong minsan ng bata sa kanyang ama kung gaano kalaki si Hesus. Nagtataka ang bata dahil sa kanilang altar sa bahay, si Hesus ay kasingtaas lang ng isang 12-inch ruler. Kapag naman siya ay nasa simbahan, halos kasing tangkad ito ng kanyang ama. Tapos noong nagsimba sila sa Kamay ni Hesus sa Lucban Quezon, ito naman ay parang higante na nakakalula sa laki.

Nagkataong may dumaraang eroplano sa himpapawid.

“Nakikita mo ang lumilipad na eroplanong iyon? Sa palagay mo, gaano ito kalaki?”

“Maliit po. Halos hindi ko na makita”.

“Naalaala mo noong isang taong nagbakasyon tayo sa Singapore? Di ba first time mong sumakay sa eroplano. Natatandaan mo pa ba ang una mong sinabi sa akin? Papa, ang laki-laki pala ng eroplano kapag malapit ka dito. ”

“Oo nga po. Pero kapag malayo tayo sa eroplano kagaya kanina. Maliit ang tingin ko. ”

“Ganoon din si Hesus, anak. Ang size Niya ay depende sa distansiya mo sa Kanya. Mas malapit ka sa Kanya, mas lalong lumalaki ang pananampalataya at pagmamahal mo sa Kanya”

vuukle comment

HESUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with