^

Punto Mo

Babae sa Las Vegas, pinaikot ang pinakamalaking hula hoop

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae sa Las Vegas ang nakapagtala ng bagong Guinness World Record para sa pinakamalaking hula hoop na pinaikot sa kanyang katawan.

Ang bagong world record ay naitala ng dating circus performer na si Getti Kehayova sa pamamagitan ng pagpapaikot ng tatlong beses sa kanyang katawan ng dambuhalang hula hoop na may 17 talampakan at 1/4 pulgada ang laki.

Hindi naman naging madali ang world record attempt ni Getti dahil mabigat ang hula hoop kaya parang hinahampas daw nito ang katawan niya habang pinaiikot ito.

Sa bigat daw ng hula hoop, kinailangan niyang magsuot ng protective vest upang masiguradong hindi siya mababalian ng tadyang habang pinaiikot ito.

Ipinagmalaki naman ni Getti na hindi lamang siya ang Guinness record holders sa kanyang pamilya. Ang ama niya ay bahagi raw ng isang human pyramid na nakapagtala rin ng world record. Gayundin ang kanyang kapatid na babae na nakapagtala naman ng record para sa pinakamaraming hula hoop na pinaikot nang sabay-sabay.

vuukle comment

GETTI KEHAYOVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with