Nagsisuko sa GCTA, wala pa sa kalahati sa bilang nang napalaya
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - September 18, 2019 - 12:00am

Bukas na ang deadline sa ibinigay na palugit ni Pangulong Digong sa mga nakalaya dahil sa GCTA para sumuko kung hindi ay ituturing na ang mga ito na  ‘fugitives’.

Hanggang kahapon sinasabing mahigit pa lamang sa 600 ang nagsisuko matapos makalaya sa pamamagitan ng makontrobersiyang GCTA (good conduct time allowance).

Ibig lang sabihin, mahigit pa sa isang libo ang hindi nakatugon sa panawagang pagsuko.

Nagkaloko-loko kasi ang naturang batas na masasabing nasamantala ng iba para pagkaperahan.

Hindi nga ba’t hanggang ngayon ay dinidinig pa sa senado ang tungkol sa nabulgar na ‘GCTA for sale’.

Lalong uminit ang isyu sa GCTA makaraang mabulgar na maging si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez ay makakalaya dahil sa GCTA. Buti na lang at nang uminit eh naagapan.

Sa mga isinasagawang pagdinig sa isyu, marami ang nabubulgar lalu na ang kalakaran sa Bilibid at iba pang piitang saklaw ng BuCor.

Nagalit si Pangulong Digong dahil nga naman ang mga hindi kualipikado sa GCTA lalu na ang mga sangkot sa heinous crime eh nakakalaya kaya inutos nito ang pagsuko ng mga napalaya.

Aalamin kung karapat-dapat nga ba silang makalaya sa ilalim ng GCTA, kung karapatdapat eh muli silang mapapalaya.

Yung iba naman kasi eh karapat-dapat at dumaan sa tamang proseso, nadamay lang sa kalokohan ng ilan.

Kung sino pa yung mga masasabing karapat-dapat sa GCTA sila pa nga ang unang nagsisuko, habang karamihan sa mga high profile covicts na dawit sa mga henious crime na nakalaya eh hindi pa rin nagsisilutang.

Ngayon ang tanong dito, pagklatapos ng deadline na Pangulo, ano na ang gagawin sa mga hindi tumugon sa panawagang pagsuko.

Itutuloy kaya ni Pangulong Digong ang pagpapalabas ng reward laban sa mga ito para madaling maibalik sa kalaboso?

Yan ang ating aantabayanan, maging ang pagsasampa ng kaso sa mga taong nagpabaya, nagsamantala para pagkakitaan ang GCTA.

GCTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with