Sugar Mommy (148)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - September 18, 2019 - 12:00am

“NASAAN po ba si Jane, Manong Sixto?’’ tanong ni Jericho.

“Nasa Pinamalayan siya. Mayroon siyang nabiling lupa roon na pinatayuan niya ng rest house. Kaming mag-asawa ang nakatira roon. Masarap mamuhay doon. Ang resthouse ay nakatayo sa isang burol kung saan ay matatanaw ang malawak na taniman ng palay at niyog. Sa paligid ng resthouse ay may mga punong namumunga --- lansones, santol, lukban, sinigwelas at iba pa. Mayroon ding palaisdaan kung saan maraming tilapia, dalag at hito na mahuhuli. Sagana rin ang ani ng palay at mais kaya walang problema sa pagkain. Perpekto ang lugar sa isang taong naghahanap nang mapayapang buhay. Ganun ang gusto ni Jane. Sabi niya sakin noon, nagsasawa na siya sa buhay dito sa Metro Manila na para bang napakabilis at nagmamadali ang mga tao.’’

Napatangu-tango si Jericho. Hindi niya masisisi si Jane kung ganun ang gustong pamumuhay. Marami na siyang pinagdaanan at dinanas na kasawian sa pag-aasawa. Hindi nagtagumpay ang buhay may-asawa at mag-isang pinalaki ang anak. Gusto niyang makasumpong ng katahimikan sa Pinamalayan.

“Nag-iisa po siya roon, Manong Sixto?’’

“Kasama niya ang pamangkin ko na pinag-aaral niya sa high school.’’

“Kailan po uli ang punta n’yo sa Pinamalayan?”

Matatagalan pa siguro dahil sabi ni Jane ay alagaan muna namin itong bahay niya.’’

Napatango si Jericho.

Maya-maya, nagpaalam na siya sa mag-asawa.

“Aalis na po ako. Pagbalik ko rito galing sa Saudi, dala ko na ang regalo sa inyo – gintong alahas’’

“Salamat, Jericho.’’

“Mag-ingat ka,” sabi ni Manang Perla.

Binulungan ni Manong Sixto si Jericho nang palabas na ito ng bahay.

“’Yung pinag-usapan natin, Jericho, huwag mong pupuntahan si Jane sa Pinamalayan.’’

“Opo, Manong Sixto.”

(Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with