Biyaheng Singapore na sana, nauwi sa wala!
BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - September 17, 2019 - 12:00am

SA unang tingin, maaring isipin na ang ilang sumbong na dinudulog sa amin ay simple at pangkaraniwan. Pero iba ang istilo ng Bitag. Sa pag-iimbestiga namin, lumalabas ang tunay na kuwento.

Gaya ng idinulog na sumbong kamakailan ng isang ginang sa aming tanggapan, nagtiyaga pang bumaba mula Sta. Cruz, Zambales maiparating lang ang kanyang reklamo sa Pambansang Sumbungan.

Hunyo 2019 daw kasi ay pupunta sana ito ng Singapore. Fully paid na raw ang kanyang plain ticket at maging ang kanyang tutuluyang hotel accomodation sa loob ng isang linggo. Kaya naman laking gulat niya noong na off-load pa rin siya ng mga immigration officer dahil P50,000 lang daw ang kanyang pocketmoney. Hinold daw siya’t ‘di pinayagan ng isang lalaking immigration official sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kung tutuusin nga ay malaking halaga na ito’t bayad naman na ang accomodations ng ginang kaya laking taka ko kung bakit na off-load pa siya. Dagdag pa niya, pati ang kanyang cell phone ay kinalkal ng immigration officer para maghanap ng mga posibleng ebidensiya na magto-tour lang siya dahil di raw makuntento ito sa P50,000 na pocketmoney niya pa-Singapore.

Agad tinawagan ng ginang ang agent na nag-ayos ng kanyang ticket na si Alenair Decompong. Sinabi lang daw ni Decompong sa kanya na may additional fee raw ang escort mula immigration para siya’y makalabas ng Pinas papuntang Qatar. Dito na umiral lalo ang pagiging sceptic ko, second nature ko na halos ito kaya kalaunan ay nabanggit na rin ng ginang na ang pinaka-goal naman daw niyang puntahan ay ang Qatar para makapagtrabaho.

Naloko na! Yun pala ay stepping stone lang daw niya ang Singapore para hintayin ang magiging visa niya papuntang Qatar, kung saan niya binabalak magtrabaho bilang direct hire.

I understand where she’s coming from. Di na bago sa’min ‘to! Mga Pinoy na nakikipagsapalaran sa maling employment process, kahit na suntok sa buwan. Ang akin lang mga boss, mas maganda pa rin kung idadaan sa tamang proseso ang kanyang employment upang hindi magkaproblema.

Kaya kung iisipin ay mukhang tama lang na nag-profiling ang mga immigration officer sa ginang bago ito pinalabas. Kung hindi napigilan, malamang nakapagtrabaho ‘yan ng under the radar sa Qatar! Sa huli, payo na mas konkreto kesa sa binigay ng kanyang agent ang binigay ko sa ginang. Pumunta na lang siya sa mga lehitimong agencies at doon maghanap ng trabaho. Ligtas na proseso na, protektado ka pa ng ating gobyerno.

Maaring mapanood ang buong kuwento ng sumbong na ito sa aming offical Youtube channel na BITAG Official at sa aming official website na Bitagmedia.com

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with