Ang petroleum products, bow
QUESEJODA - Butch M. Quejada (Pang-masa) - September 17, 2019 - 12:00am

HINDI biro ang nangyaring drone attack sa dalawang dambuhalang oil facilities sa Saudi Arabia dahil tiyak malaking problema ito sa madlang Pinoy sa Philippines my Philippines.

Sabi nga, nakakabahala ang pangyayari!

Ngayon araw, taas presyo ang mga oil products at hindi lang basta tumaas kundi grabe ang itinaas.

Tiyak ang madlang Pinoy magkakamot na naman ng ulo sa taas presyo ngayon araw. 

Ika nga, lubhang makaapekto sa Philippines my Philippines ang nangyaring drone attack sa Saudi arayat este mali Arabia pala.

Sa puntong ito magbu-boomerang ang mga pangunahin bilihin sa Philippines my Philippines at nagbabadya sigurado dito ang dagdag pamasahe ng madlang people.

Tumaas ng ilang dollar per barrel ang presyo ng petrolyo.

Bakit?

May mga bansang maglalabas ng kanilang petroleum reserves para ibenta sa kanilang mga kaalyadong bansa upang hindi maapektuhan ang kalakaran ng commercial stocks.

Sabi nga, tiyak pagkakakitaan ang gustong bumili! 

Akalain mo walang kamalaymalay na nadale ang Saudi Arabia ng pasabugan sila ng drone attack samantala ang nasabing lugar ang isa sa pinakamayaman bansa sa buong mundo at hindi biro ang security measures na ipinatutupad doon ?.

Bakit?

Anong nangyari?

Tiyak may retaliation ito dahil hindi basta papayag ang mga Arabo na ganoon na lamang ang mangyayari sa kanila.

Pinag-iingat ang madlang Pinoy workers sa nasabing lugar sa maari pang mangyari .

Abangan.

• • •

Teaching Supplies Allowance

Naglalayong i-institutionalize ni Deputy Speaker Vilma Santos-Recto, ang grant ng ‘Teaching Supplies Allowance’ sa may 840,000 public school teachers na kadalasan ang personal na pera nila ang pinambibili ng mga  materyales sa pagtuturo tulad ng chalks, erasers, mga form, at iba pang mga classroom supplies para magamit ng kanilang mga estudiante sa eskuelahan. 

Ang House Bill 3449 o ang panukalang “Teaching Supplies Allowance Act,’ ay nagdedeklarang patakaran ng Estado upang i-promote at mapabuti ang pang-ekonomiyang kalagayan ng mga guro at tulungan ang mga ito sa pagbibigay ng kalidad na edukasyon sa kanilang mga students. 

Ang Teaching Supplies Allowance na pambili ng mga chalks, erasers iba pang mga classroom supplies at mga materyales na P10,000 kada guro every school year ay pahintulutan. 

Ang pagbibigay ng cash allowance ay limitado sa mga guro na nakatuon sa aktwal na pagtuturo sa silid-aralan sa mga public basic education. 

Ang bill ay nag-uutos na sa unang taon ng pagkakabisa ng Batas,na P3,500 kada guro sa bawat school year ay sisingilin sa current appropriations ng DepEd para sa Teaching Supplies Allowance, habang ang karagdagang P6, 500 per teacher per school year ay kukunin sa anumang available funds o savings ng DepEd. 

Ang P10,000 bawat guro per school year ay dapat na kasama sa DepEd budget para sa Teaching Supplies Allowance sa ilalim ng General Appropriations Act o GAA. 

Ang Teaching Supplies Allowance ay exempted sa income tax.

Ayos ba ito ?

Abangan. 

OIL FACILITIES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with