Na-stranded na hikers, nasagip dahil sa mensaheng inukit sa bote
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - September 17, 2019 - 12:00am

MADALAS na taon ang binibilang bago matagpuan ng ibang tao ang mga boteng naglamaman ng mensahe na pinaanod sa tubig kaya naman masuwerte ang tatlong hikers sa California na natagpuan kaagad ang bote kung saan iniukit nila ang paghingi nila ng saklolo.

Nag-hike si Curtis Whitson kasama ang kanyang girlfriend at ang 13-anyos niyang anak sa Arroyo Seco River nang mapadako sila sa isang bahagi na napapaligiran ng mga batong may taas na 40 talampakan.

Napagtanto niyang na-trap na sila sa bahaging iyon nang matuklasan niya na ang dating lubid na ginamit niya noong huli siyang nag-hike sa lugar ay wala na at ang ilog na dinaanan nila ay hindi na nila matatawid pabalik dahil sa malalakas na alon nito.

Sinubukan ng tatlo na sumigaw sa pag-asang may makaka­rinig sa paghingi nila ng tulong ngunit wala namang naging tugon kaya minabuti nilang mag-ukit ng katagang “HELP” sa isang plastic na water bottle na kanilang pinaanod sa ilog.

Suwerte namang may ibang hikers sa lugar na nakapulot sa bote na tumawag sa mga namamahala sa lugar. Agad namang nag-ikot ang isang rescue chopper na nakahanap sa kinaroroonan ng stranded na hikers.

Hindi na nagpapakilala ang mga hikers nakapulot ng bote ngunit umaasa si Whitson na malalaman niya ang pagkaka­kilanlan ng mga ito upang personal siyang makapagpasalamat.

CURTIS WHITSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with