^

Punto Mo

EDITORYAL - Lalo pang umalingasaw sa anomalya ang BuCor

Pang-masa
EDITORYAL - Lalo pang umalingasaw sa anomalya ang BuCor

NANGANAK pa nang nanganak ang mga ano­malya sa New Bilibid Prison makaraang matuklasan ang pag-abuso sa Good Conduct Time Allowance (GCTA). Nabulgar sa pagdinig ng Senado noong Huwebes ang sangkatutak na pinagkakaperahan ng mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor), empleyado at mga guwardiya. Halos lahat nang pagkakakitaan ay nasa Bilibid at sa maniwala at hindi, umaabot sa P300,000 hanggang P500,000 bawat linggo ang sumasampang pera sa mga corrupt sa BuCor.

Sa ikalimang pagdinig, isiniwalat ni dating BuCor officer-in-charge Rafael Ragos ang mga nangyayaring anomalya sa Bilibid kung saan ang mga opisyal ng nasabing tanggapan ang nagmamaniobra. Ayon kay Ragos, mayroong pitong money-making schemes sa Bilibid at nangyayari ito noon pa.

Kabilang sa mga binunyag ni Ragos ay ang pagpasok ng mga “tilapia” o mga bayarang babae sa loob na ang presyo ay P30,000 bawat gabi. Mga high profile inmate umano ang gumagamit sa mga babae. At karamihan sa mga babae ay nagiging girlfriend na o asawa ng mga maiimpluwensiyang bilanggo. Bukod sa nagpapasok ng babae, talamak din ang sugal sa loob at nagaganap ito sa mga kubol ng mga high-profile na bilanggo.

Isa pa sa pinagkakakitaan ng mga corrupt na BuCor officials, ayon kay Ragos ay ang “catering” kung saan ang portion ng food allowance ng mga bilanggo ay napupunta sa mga ito. Kumikita ang mga corrupt BuCor officials ng P800,000 bawat buwan sa gawaing ito.

Kumikita rin umano ang mga corrupt sa mga ipinapasok na kontrabando --- shabu, cell phones, alak, sigarilyo. Pinagkakakitaan din ang “special requests” ng mga high profile na bilanggo na magkaroon ng party sa loob kung saan ay may iimbitahing mga babae mula sa ibang bansa at mananatili sa Bilibid ng ilang araw.

Dumami pa ang mga nahalukay na anomalya sa Bilibid na walang ibang salarin kundi ang mga “bulok” na opisyal, empleyado at guard. Nararapat lang na alisin lahat ang opisyal at pati mga guard. Kung hindi sila wawalisin, magpapatuloy ang katiwalian. Sayang lang ang pag-iimbestiga ng Senado kung hindi aalisin lahat ang mga opisyal at empleyado ng BuCor.

vuukle comment

BUCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with