Ang tatlong hibla ng buhok
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - September 16, 2019 - 12:00am

ANG babae ay may alopecia areata. Unti-unting nalagas ang kanyang buhok hanggang isang umaga, nagitla siya nang makitang tatlo na lang ang hibla ng buhok niya. Saglit lang ang pagkabigla dahil maya-maya ay napangiti siya at sabi sa sarili, “Mas cute kung ititirintas ko lang ang buhok ko”.

Kinabukasan, isang sorpresa na naman ang bumulaga sa babae—dadalawa na lang ang hibla ng kanyang buhok sa tuktok. Tinitigan niya ang sarili. Iniisip niya kung anong style ang mainam na gawin sa dadalawang hibla ng buhok. Naisip niyang gayahin ang style ni Cachupoy na hinahati sa gitna ang makapal nitong buhok. Tutal nasa gitna ng tuktok ang dalawang hibla ng buhok, ibabaling niya sa kanan ang isa at sa kaliwa ang isa. Inihit nang tawa ang babae. Ang saya! Biruin mo, nakuha pa niyang iistilo ang dadalawa niyang buhok.

Nang sumunod na umaga, hindi na siya nagulat nang pagharap niya sa salamin ay iisa na lang hibla ng buhok ang natira. Medyo natagalan din siya sa pag-iisip kung anong gimik na naman ang gagawin niya sa buhok. Sa isipan niya, kailangang “pasabog”  ang style. Aha! Alam na niya ang gagawin. Kumuha siya ng water color at kinulayan ng pula ang natatangi niyang hibla ng buhok. At least, matatawag na rin niya ang sarili na “red head”. Sosyal. Ang lakas “makatisay” ng pulang buhok. Bago pa ito malagas kinabukasan, natupad na ang pangarap niyang matawag na “red-haired girl”.

Kagaya ng inaasahan, nagising siya kinabukasan na nalagas na ang huling hibla ng kanyang buhok. Kaya nagtatalon siya sa tuwa. “Yeheyyy, wala na akong aayusing buhok! Aba, nakakapagod din ‘yun.”

“Life isn’t about waiting for the storm to pass. It’s about learning to dance in the rain.”—Vivian Greene

Saglit lang ang pagkabigla dahil maya-maya ay napangiti siya at sabi sa sarili, “Mas cute kung ititirintas ko lang ang buhok ko”.

BUHOK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with