^

Punto Mo

Sugar Mommy (146)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“PAANO kayo naging magkaibigan ni Jane, Jericho?’’ tanong ni Manong Sixto habang kumakain sila ng sumang balinghoy.

“Ipinaayos po niya ang kanyang SUV --- yung naka-park sa bakuran – sa talyer ng ninong ko at ako ang nagkumpuni.’’

“Mekaniko ka pala, Jericho.’’

“Opo.’’

“Matagal na kayong magkakilala ni Jane?’’

“Matagal-tagal na rin Manong Sixto.’’

“Saan ka ngayon nagtatrabaho?’’

“Sa Saudi po --- sa Riyadh. Nakabakasyon lang po ako ngayon kaya ako narito. Sa isang linggo po ay babalik na rin ako sa Riyadh.’’

‘‘OFW ka pala, Jericho.’’

‘‘Opo.’’

‘‘Kaya ka nagpunta rito ay para dalawin si Jane?’’

“Gusto ko po kasing malaman kung narito na siya. Ang huli po naming pag-uusap ay patungo na siya sa Australia. Sabi po niya tatawagan ako pero hindi na niya ginawa. Hanggang sa magbakasyon ako e hindi na niya ako tinawagan. Kaya, nagbakasakali ako na baka narito siya. Wala naman pala.’’

Nakatingin sa kanya nang makahulugan si Manong Sixto.

Hanggang sa pumasok ang isang babae mula sa kitchen. Ipinakilala ni Manong Sixto.

“Siya ang misis ko Jericho --- si Perla.’’

Binati ni Jericho si Perla.

Mukhang mabait si Perla.

‘‘Masarap po ang sumang balinghoy, Manang Perla. Sariwang-sariwa po ang ba­linghoy.’’

“Oo. Galing ng Pinamalayan ‘yan – dun sa bayan namin. Sige, kumain ka pa at marami pa niyan. Kaming dalawa lang ni Sixto ang kakain e baka hindi namin maubos e mapanis ‘yan.’’

“Pagbabaunin natin siya ng suman, Perla.’’

‘‘Naku nakakahiya naman, Manong Sixto.’’

‘‘Okey lamang Jericho.’’

‘‘Hayaan mo po Manong at pag-uwi ko uli galing ng Saudi e pasasalubungan ko kayong mag-asawa ng gold.’’

“Aba, gusto ko ‘yan! Sige Jericho.’’

Sinaway ni Manang Perla si Manong Sixto.

“Hoy Sixto masyado kang at home kay Jericho, nakakahiya sa kanya.’’

“Okey lang Manang Perla. Basta pag-uwi ko, may pasalubong akong gintong alahas.’’

“Salamat, Jericho.’’

Nang pumasok sa kitchen si Manang Perla, may sinabi si Manong Sixto kay Jericho.

“May ipagtatapat ako tungkol kay Jane, Jericho pero huwag mo nang ipagsasabi kahit kanino.’’

(Itutuloy)

 

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with