^

Punto Mo

Sugar Mommy (145)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PAALIS na si Jericho at nakakailang hakbang na nang bigla siyang tawagin ng lalaking katiwala ni Jane.

“Ano nga uli ang pangalan mo?’’ tanong nito sa kanya.

Biglang napatigil sa pag­lalakad si Jericho at lumi-ngon sa lalaki.

“Jericho po, Manong.’’

“Halika rito sa loob.’’

Nabuhayan ng pag-asa si Jericho. Parang may liwanag na tumama sa kanyang ulo.

Binuksan ng lalaki ang gate.

“Halika rito sa loob, Jericho. Ako nga pala si Sixto.’’

“Salamat po Manong Sixto.’’

Pagkapasok ni Jericho ay isinara ni Manong Sixto ang gate.

“Doon tayo sa loob at mainit na rito sa bakuran.’’

Pumasok sila sa loob. Malinis na malinis ang salas. Katulad din noong lagi siyang nagtutungo rito para dalawin si Jane.

“Sino po ang kasama mo rito, Manong Sixto?”

“’Yung asawa ko. Naroon siya sa likod at naglalaba. Maupo ka at kukuha ako ng inumin at meryenda. May suman na balinghoy na ginawa si Misis kanina. Sandali lang.’’

“Sige po Manong Sixto.’’

Habang hinihintay ni Jericho si Manong Sixto ay nagmasid-masid siya sa kabuuan ng salas. Ang ayos ng sopa ay hindi nagbago. Naalala niya  na rito sa sopa na ito niya tinabihan habang natutulog si Jane. Nilalagnat si Jane noon at giniginaw kaya tinabihan niya para mainitan ang katawan. Naalala rin niya nang halikan sa labi si Jane.

Humugot siya nang malalim na buntunghininga.

Kailan kaya uli niya makikita si Jane?

Ngayong napalapit siya kay Manong Sixto, baka magkaroon iyon ng katuparan.

“Eto ang suman na balinghoy. Masarap ito sa kapeng barako,” sabi ni Manong Sixto habang dala ang pinggan na may suman at dalawang mug na may umuusok na kapeng barako.

“Masarap po sigurado yan, Manong Sixto dahil naaamoy ko.’’

“Galing kasi sa probinsiya ang balinghoy at pati ang kape. Kahapon lang kami dumating ni Misis dahil nga kailangang linisin ang bahay.’’

“Talaga po bang buwan-buwan lang kayo kung pumunta rito?’’

“Minsan dalawang beses isang buwan.’’

“Kayo lang po ba ni Mi-sis ang narito. Ang mga anak n’yo Manong?’’

“Wala kaming anak. Hindi pinalad na magkaanak.’’

Napatangu-tango si Jericho.

“Kumain ka Jericho. Tikman mo at masarap.’’

Nagbukas ng suman si Jericho. Kumagat.

“Masarap nga Manong.’’

“Sariwang-sariwa kasi yan.’’

Hanggang sa nauwi ang usapan nila kay Jane. (Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with