^

Punto Mo

32-anyos na lalaki sa india, arestado sa airport matapos magpanggap na 81-anyos

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ARESTADO ang isang 32-anyos na lalaki sa India matapos hindi niya makumbinsi ang mga security officers  sa airport doon na 81-anyos na siya.

Huli si Jayesh Patel sa Delhi airport noong Lunes, matapos maghinala ang Central Industrial Security Force (CISF) sa boses niya at sa balat niyang wala man lang kulubot.

Patungo sana si Patel sa New York mula sa Indira Gandhi International Airport nang matunugan ng mga awtoridad ang kanyang modus. Nakasuot si Patel ng turban at ng makakapal na salamin. Nagpalago rin siya ng balbas na kinulayan ng puti upang magmukha siyang 81-anyos.

Napag-alamang ginawa ito lahat ni Patel upang makapunta at makapagtrabaho sa United States. Ayon sa imbestigasyon, nagbayad si Patel ng $42,000 (katumbas ng P2 milyon) sa ahenteng nag-ayos ng kanyang mga dokumento.

Ang ahen­te rin daw ang kumuha ng make-up artist upang tumugma ang itsura ni Patel sa taong nakasaad sa kanyang pekeng travel documents.

 

vuukle comment

AIRPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with