Pinakamabuti ang disenyo ng Diyos
USAP TAYO - Pastor Joey Umali (Pang-masa) - September 14, 2019 - 12:00am

LAGING mas mataas at nauuna ang isip ng Diyos kaysa isip ng tao. Sa kasaysayan ng paglikha na nasusulat sa Genesis 1:27 ay ganito ang nasusulat, “Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Sila’y kanyang nilalang na isang lalaki at isang babae.” Noon pa’y tinatanong ko na sa aking sarili kung bakit kinakaila-ngang linawin ng Bibliya na ang nilikha ng Diyos ay isang lalaki at isang babae. Bakit hindi na lang sinabing nilalang Niya ang tao. Ang dahilan pala ay sapagkat darating ang panahon na ang isyu tungkol sa kasarian ng lalaki at babae ay magiging mainit na usapin na maghahati maging sa mga iglesya.

Dumating na ang panahong ito, sapagkat ngayon ay iginigiit ng mga kabilang sa LGBTQIA (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer or questioning, intersex at asexual o allied) communities na sila’y kabilang sa ibang kasarian, hindi lalaki at babae, at mayroon silang mga karapatan na hiwalay sa mga karapatan ng mga natural na lalaki at babae.  Sa Bibliya, dalawa lamang ang kasariang itinakda ng Diyos at wala nang magagawa ang sinuman na ito’y baguhin. Ngunit sa LGBTQIA, ang kasarian ay hindi limitado sa dalawa, kung kaya’t makapamimili sila ng kasariang gusto nila.

Naging mainitan ang pag-uusap tungkol sa isyu dahil sa pagsasagawa ng Senado ng public hearing para sa isinusulong na SOGIE Bill o Sexual Orientation and Gender Identity and Expression Equality Bill o “Anti-Discrimination Bill” na una nang naipasa sa Mababang Kapulungan bilang “Anti-SOGIE Discrimination Bill.” Layunin ng panukalang-batas na hadlangan ang mga diskriminasyon base sa sexual orientation, gender identity o expression.  Kabilang sa ipinagbabawal sa ilalim ng panukalang-batas ang hindi pagtanggap ng anumang eskwelahan sa isang LGBTQIA at ang pananalita sa publiko laban sa gawi, asal, at pananamit ng isang LGBTQIA. Maging ang mga magulang ay walang karapatang disiplinahin ang isang anak na piniling magkaroon ng ibang kasarian.

Ayon sa mga laban sa panukalang-batas, sapat na ang mga umiiral na batas upang panga-lagaan ang mga mamamayan laban sa anumang diskriminasyon.  Sa kabilang banda, sinasabi nila na ang panukalang-batas ay magdi-discriminate sa mga natural na kababaihan at hahadlang sa kalayaan ng relihiyon at pananalita.

Tiniyak ni Senate President Tito Sotto na walang pag-asang makapasa sa Senado ang SOGIE Bill.  Gayunman, tila ang labanan ay mapupunta sa bawat munisipyo o siyudad na magpapasa ng mga lokal na resolusyon na maglalaman ng mga panukalang nasa SOGIE Bill. 

May mga dating bakla na ngayo’y nagsipagbago, bumalik sa tunay nilang kasarian at nakabuo ng masayang pamilya ang tumututol sa SOGIE Bill. Puwede naman palang magbago? Ganito sana ang maging prinsipyo sa pagtulong sa LGBTQIA communities. Mahalin sila, igalang at protektahan laban sa diskriminasyon. Ngunit ang pinakamahalaga sa lahat, tulungan silang bumalik sa disensyo ng Diyos upang mabawi ang tunay nilang pagkakakilanlan o “true identity.”

Ang salalayan ng ating identity ay ang paglikha ng Diyos sa atin ayon sa Kanyang larawan.  Nilikha tayo bilang lalaki o babae. Ito’y isang bagay na hindi pinagdidibatihan o pinamimilian.  Ang itinakda ng Diyos ay hindi maaaring baguhin ninuman.

Ang maaari nating baguhin ay ang ating pananaw. Mahalin natin ang mga LGBTQIA. Ang tunay na pagmamahal at paggalang sa kanila ay maisasagawa sa pamamagitan ng pagtulong sa kanilang tanggapin kung ano ang disenyo ng Diyos, sa halip na disensyo ng tao. Ang disenyo ng Diyos ang laging pinakamabuti!    

           

 

 

DIYOS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with