Twist of fate
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - September 13, 2019 - 12:00am

LIMANG kuwento tungkol sa mga taong nakaligtas sa trahedyang nangyari noong September 11, 2001 o mas kilala sa tawag na 9/11 tragedy.

Unang Kuwento: Salamat sa Makulit na Nanay

Nakatira si Holly Winter sa Denver, Colorado. May dalawa siyang matalik na kaibigan na ang isa ay nakatira sa Chicago samantalang ang isa ay nasa New York City at nagtatrabaho sa One World Trade Center. Nagkakontakan sila sa pamamagitan ng telepono at napagkasunduang magkaroon ng reunion. Ang taga-New York ay sobrang abala sa kanyang trabaho kaya’t nakiusap sa kanyang mga kaibigan na magpunta na lang ang mga ito sa New York at doon na mag-party sa kanyang opisina sa One World Trade Center. Pumayag naman si Holly Winter at kaibigang taga-Chicago. Napagkasunduan nilang gawin ang reunion sa September 11 at sa office na ng kaibigan sa One World Trade Center mag-almusal. Darating sila sa New York sa gabi ng September 10.

Nagkataong ang ina ni Holly ay nakatira sa New York kaya ang mangyayari sa kanyang biyahe patungo sa New York ay “killing two birds in one shot”. Tinawagan nito ang ina para sabihing dadalawin niya ito sa September 10.

“Hindi puwede. May ticket na ako papunta sa inyo riyan sa Colorado sa September 10. Sorpresa sana pero hayan, tumawag ka kasi. Huwag ka nang tumuloy. Ako na lang ang pupunta riyan. Gusto kong makita ang mga apo ko.”

Walang nagawa si Holly kundi i-cancel ang kanyang pakikipagkita sa mga kaibigan. Anong magagawa niya, nakabili na pala ng ticket ang kanyang ina. Siya naman ay bibili pa lang. Natuloy ang kaibigan niyang taga-Chicago. Pagsapit ng September 11, eksaktong 8 a.m ay tinawagan si Holly ng dalawang kaibigan at sinabing kasaluyan silang nag-aalmusal sa opisina ng World Trade Center. Sandali lang silang nagtsikahan para bigyan ng pagkakataon ni Holly na namnamin ng dalawa niyang kaibigan ang pag-aalmusal nang magkasama. Bandang 8:49 a.m. sumambulat sa TV ang balitang binangga ng isang eroplano ang north Tower ng World Trade Center, kung saan naroon ang mga kaibigan niya na masayang nag-aalmusal ng mga sandaling iyon. Salamat na lang at makulit ang nanay niya.

TRAGEDY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with