Sugar Mommy (142)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - September 12, 2019 - 12:00am

“WALA na kaming komunikasyon ni Jane, Ninong,” sabi ni Jericho.

“Bakit?’’

“Hindi ko alam, Ninong. Basta hindi na lang tumawag.’’
“E ba’t hindi mo punta­han sa bahay niya? Di ba nakarating ka na roon?’’
“Wala na si Jane dito sa Pinas, Ninong.””

“Nasaan?’’

“Nasa Australia na. Kasama na niya ang anak dun.’’

“Ah, ganun ba?’’

“Ang hindi ko lang alam ay kung bakit hindi na ako kinokontak. Ang huli naming pag-uusap ay nung malapit na siyang umalis patungong Australia.’’

“Baka may problema kaya hindi tumatawag.’’

“Ang hula ko e baka nag­kabalikan sila ng asawa niya. Pero sabi naman ni Jane nun, imposible na raw na magkabalikan sila.’’

“’Yun naman pala e di hindi yun ang dahilan.’’

Napahinga uli nang malalim si Jericho.

“E ano ba ang damdamin mo sa Jane na yun, inaanak? Kasi, may asawa pala ‘yun at natural kasal kaya hindi puwedeng pakasal sa iba. Isa pa e malaki ang katandaan.’’
“Naguguluhan  ako Ninong. Mahirap sumagot ngayon.’’

“Mahal mo siya?’’
Hindi sumagot si Jericho.

Mahirap sumagot.

Naguguluhan siya.

(Itutuloy)

 

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with