Lasenggong manunulat
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - September 8, 2019 - 12:00am

MARAMI ring sikat na manunulat na naging alcoholic. Isa na rito ay si Ernest Hemmingway (1899-1961), isang nove-list, short story writer at essayist. Pinarangalan siya ng Nobel Prize for Literature noong 1954. Nagsimula siyang reporter ng diyaryo bago naging manunulat ng kuwento. Manginginom na siya noong reporter pa lang. Pagkatapos ay ipinagpatuloy niya ang hilig sa alak habang sumisikat siya bilang manunulat ng kuwento. Ang ilan sa mga sinulat niya ay Men Without Women; The Sun Also Rises at Death In The Afternoon.

Sa mahabang panahon ng kanyang pagiging lasenggo ay hindi naapektuhan ang quality ng kanyang mga sinusulat na kuwento. Magaganda pa rin ang kanyang nalilikhang kuwento. Ngunit noong late 40’s, nagkukuwento siya na may naririnig daw siyang boses. Simula noon, nadagdagan nang nadagdagan ang kanyang timbang hanggang sa nagkaroon ng alta presyon at nagkasakit sa atay. Naospital siya dulot ng sobrang depresyon noong 1961. Ilang buwan pagkalipas na lumabas ng ospital, siya ay nagbaril sa sarili.

Pagkalibing, inilabas ang kanyang librong may pamagat na True At First Light na kinapapalooban ng koleksiyon ng mga nobelang sinulat niya noong panahong kung anu-ano na ang mga naririnig niyang boses. Sabi ng mga kritiko, ito raw ang pinakapangit na librong sinulat ng isang Nobel writer. Kasi nga, baliw na siya nang sulatin ang mga nobelang nabanggit.

LASENGGONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with