Nagsamantala sa GCTA, panagutin!
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - September 6, 2019 - 12:00am

Bahagyang kumalma ang mainit na isyu sa nabuko at naudlot na paglaya sana ni convicted rapist at murderer ex-Mayor Antonio Sanchez sa ginawang pagsibak ni Pangulong Digong kay BuCor director Nicanor Faeldon.

Sa kautusan din ng Pangulo, pinasusuko nito ang nauna nang napalaya na mga convicts na aabot sa 1,914 na sinasabing dawit sa mga heinous crime na sumuko at kung hindi ay hahantingin sila dead or alive. Papatungan ang kanilang mga ulo ng tig-P1-milyon. Labinglimang araw ang ibinigay na ulti­matum ng Pangulo sa mga napalayang convicts sa ilalim ng pinagtatalunan pa rin na Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Patuloy pa rin ang isinasagawang pagdinig ng Senado pero kahapon humiling na ang da-ting BuCor director na hindi na haharap sa pagdinig na mukhang pinagbigyan na rin ng mga senador.

Sa tatlong araw na takbo ng mga pagdinig, malinaw naman na talagang nagkaroon ng mga kapabayaan at mga kaduda-dudang mga desisyon na ang tinutumbok ay korapsyon.

Dahil sa ilalim ng batas sa GCTA, malinaw na hindi kasali dito ang convicts na nasentensiyahan sa mga karumal-dumal na krimen, pero natuklasan na nga na karamihan sa mga nauna nang napalaya ay may mabibigat na kaso.

Hindi rin malinaw hanggang sa ngayon kung paano isinagawa ang computation sa GCTA at napalaya ang mga bilanggo.

Kung halos dalawang libo na pala ang nakikinabang sa naturang batas, hindi lang pala sa panahon ito ni Faeldon, maging sa iba pang naging mga BuCor director at iba pang opisyal at tauhan dito.

Base sa rekord nagsimula ang pagpapalaya ng mga bilanggong noon pang 2014.

Dito dapat malaman kung sino ang mga naunang nakinabang na dawit sa mga henious crime.

Maging mabusisi sanang maigi, baka naman ilan sa mga nakalaya ay nadamay lang at kualipikado naman na bigyan ng ikalawang pagkakataon, sana ay hindi ito maipagkait dahil lamang sa mga naging kapabayaan at kontrobersiya sa pagpapatupad sa batas sa GCTA.

Kahapon nga ilan sa mga napalaya sa GCTA ang nagsilutang na sa mga awtoridad, ang kapansinpasin dito, hindi ang mga inaasahang high profile na convicts.

ANTONIO SANCHEZ GCTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with