Cinderella Story
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - August 30, 2019 - 12:00am

(Part 2)

MAS angkop na sabihing Cinderello story ang ikalawang kuwento dahil lalaki ang masuwerteng inibig ng babaeng may dugong bughaw.

Si Daniel Westling ay may-ari ng tatlong gym sa ilalim ng kompanyang Balance Training na matatagpuan sa Stockholm Sweden. Isang araw ay nakatanggap siya ng pasabi mula sa royal court na gusto raw siyang kuhaning personal trainer.

Walang ideya si Daniel na ang magiging kliyente niya ay isang babae, si Princess Victoria, ang anak na panganay at tagapagmana ng trono ni King Carl Gustaf of Sweden. Mula sa pagiging personal trainer ng prinsesa, umusbong ang isang pag-iibigan.

Noong February 2009 kinailangan nina Daniel at Princess Victoria na humingi ng pahintulot ni King Carl XVI Gustaf at ng Government of Sweden para sila maikasal. Kinakailangan ang pahintulot bilang pagsunod sa Swedish Act of Succession.

Nagkaroon ng katuparan ang kanilang pag-iibigan nang ikasal sila noong June 19, 2010 sa Stockholm Cathedral. May dalawa silang anak sa kasalukuyan. Ngayon ay tinatawag na siyang Prince Daniel of Sweden, Duke of Västergötland.

BALANCE TRAINING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with