^

Punto Mo

Malasakit Center ni Sen. Go, go, go, go, lang!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

HALOS 500,000 na mahihirap na Pinoy na may sakit ang nakinabang sa Malasakit Center program ni Sen. Christopher “Bong” Go at nakakagulat na binabaterya pa ito ni Albay Rep. Edcel Lagman. Naglabas kasi ng pahayag si Lagman kamakailan lang na ginagamit ni Go ang Malasakit Center para isulong ang kanyang ambisyon sa pulitika.

Karapatan ni Lagman na paim­bestigahan ang programa ni Go subalit dapat kapag nahinto ito may kapalit siyang programa para mapunuan ang pagkukulang ng gobyerno ni President Digong para lunasan ang karamdaman ng mga may sakit na mahihirap na Pinoy, ‘di ba mga kosa?

Sana ‘wag haluan ng pulitika ni Lagman ang Malasakit Center dahil mismong ang kanyang mga ka-probinsiya ay nakikinabang din dito. Araguuyyy! Porke’t hindi niya kaalyado si Go, na mabango kay Digong, ay hindi na sasang-ayunan ang mga programa ng una para magamot ang maysakit na mahihirap? Ano ba ‘yan! Hak hak hak! Asikasuhin na lang sana ni Lagman ang may sakit sa mga constituents n’ya imbes na pag-aksayahin ang oras niya para bateryahin ang programang marami ang nakikinabang, ‘di ba mga kosa?

Sa totoo lang, ang Malasakit Center ay hindi ahensiya o tanggapan ng gobyerno ni Digong at wala ring pondo galing sa administrasyon. Nilinaw ni Go na ang Malasakit Center ay “one stop shop” kung saan pinagsasama ang kakayahan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH) at Philhealth para tulungan ang mga maysakit.

Pinabibilis lang ng programa ni Go ang serbisyo ng gobyerno para matugunan mabigyan ng medical attention ng nasabing mga sangay ng gobyerno ang pangangailangan ng mga may sakit. At paano nasabi ni Lagman na ginagamit lang sa pulitika ang nasabing proyekto e matagal nang tapos ang elections at sa katunayan naupo nang senador si Go? Araguuyyy! Hak hak hak! Nagmukhang ulyanin na si Lagman sa inasal n’ya ah?

Si Go ay special assistant pa ni Digong nang pinatayo nila ang Malasakit Center. Kahit sino ka pa, Dilawan man o Duterte supporter, maaring humingi ng tulong sa proyekto. At higit sa lahat, hindi na kailangan ang sulat o referral letter ng kung sinu-sinong pulitiko para lang makatanggap ng tulong.

Sa halos dalawang taon pa lang na nag-ooperate ng Malasakit Center, kalahating milyon ng mga maysakit at mahirap na Pinoy ang natulungan nito. Kasi nga walang tinatanggihan Go basta go, go, go lang ang sistema niya. Araguuyyy! Hak hak hak! Kayo ba mga kosa, payag kayong mahinto na ang proyekto ni Go para sa mga mahihirap?

Siyempre, bukas naman si Go sa panukala ni Lagman na imbestigahan ang proyekto niya dahil wala namang sangkot na pondo rito ang gobyerno. Abangan!

vuukle comment

MALASAKIT CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with