^

Punto Mo

Sugar Mommy (125)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“JERICHO, baka may dumating…’’ sabi ni Nadine habang gumagapang ang palad ni Jericho papasok sa kanyang shirt. Pero hindi niya magawang iwaksi ang palad ni Jericho. Nagpapaubaya na naman siya.

“Naka-lock naman ang pinto di ba?’’

Napatango si Nadine.

Hindi na tumigil si Jericho sa ginagawa. Sayang ang panahon at pagkakataon. Kung lagi niyang iisipin na baka may dumating o makakita, wala siyang mararating. Kailangan, maging mabilis siya para makarami.

Nagpapaubaya na si Nadine. Hindi na ito kumikilos.     Halos hindi na yata humihinga.

Kaya hindi na nag-aksaya ng panahon si Jericho. Kung noon ay nabitin ang ginagawa niya dahil nagambala ng dalawang kasamahan ni Nadine ngayon ay sisiguruhin niyang hindi na mangyayari.

Narating niya ang hinahanap. Nagtagal doon ang kanyang palad. At wala pa ring kakilus-kilos si Nadine. Ni hindi niya naririnig ang paghinga nito. Parang tumigil ang inog ng mundo para kay Nadine. Walang balak tumutol at nagpapatianod na nang todo.

Lumakas pang lalo ang loob ni Jericho.

Sa ibang lugar na naglakbay ang kanyang palad. Doon sa narating na niya noong nakaraang Biyernes.

Nagmadali siya pero tiyak ang mga kilos.

Naibaba ang siper ng jeans ni Nadine. Nailusot niya ang ‘‘mapangahas’’ na palad.  Hanggang sa makita ang hina-hanap.

Nagtagal doon ang ‘‘mapangahas’’ niyang palad.

Pero napapitlag siya sapagkat biglang iwinaksi ni Nadine ang palad niya. Kasunod ay tinulak siya.

“Ayoko na! Tama na!’’ sabing parang gulung-gulo ang isipan.

“Bakit, Nadine?’’

“Ayoko na sabi!’’

Napamaang si Jericho. (Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with