^

Punto Mo

Thumbmark sa halip ng pirma ng namayapa, sapat na ba para sabihing may bisa ang last will?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Atty.,

Gusto ko lang sana malaman kung may bisa ba ang isang Last Will and Testament kung hindi naman po nakapirma sa nasabing dokumento ang namayapa. May alitan po kasi ang aking ina at ang kanyang mga kapatid at isa po sa pinag-aawayan nila ay ang diumano’y last will na ginawa ng aking lolo. Ngayon lang kasi nakita ng aking ina ang nasabing last will at wala siyang kaalam-alam tungkol dito. Isa pa ay wala rin kasing pirma ito at sa halip ay thumbmark lang diumano ng aking lolo ang makikita sa dokumento. May bisa po ba ang isang last will kahit thumbmark lang ng sinasabing gumawa nito ang nakalagay?— Riza

Dear Riza,

Ayon sa mga kasong dinesisyunan na ng ating Korte Suprema, valid ang isang last will kahit pa thumbmark lang ng testator o ng gumawa ng last will ang taglay nito. Ayon sa Kataas-taasang Hukuman, ang salitang “signed” ay hindi lamang tumutukoy sa pirma o signature ng gumawa ng last will. Maari rin tumukoy ito sa ibang “sign” o marka na ginawa ng testator katulad ng kanyang thumbmark (De Gala v. Gonzales, 53 Phil. 104). Kaya sa pamamagitan ng paglalagay lamang ng kanyang thumbmark sa intensyong ang thumbmark na iyon ang magsisilbi niyang pirma ay nasunod na ang requirement ng batas na kailangang “signed” ng testator ang kanyang last will (Dolor v. Diancin, 53 Phil. 479, Payad v. Tolentino, 62 Phil. 848, Abaya v. Zalamero, 10 Phil. 357, Leano v. Leano, 30 Phil. 612).

Nais ko lang ipabatid na sa kabila ng mga desisyong nabanggit, hindi naman basta-basta magkakabisa ang isang last will hangga’t hindi ito sumasailalim sa isang probate proceeding sa korte. Doon ay maari niyong kuwestiyonin ang thumbmark kung totoong sa lolo mo nga talaga iyon.

Paalala lamang sa ating mga mambabasa na ang payong nakasaad dito ay base lamang sa mga impormasyong inilahad ng sumulat at maaring hindi ito maging angkop sa ibang sitwasyon.

 

vuukle comment

THUMBMARK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with