^

Punto Mo

Sugar Mommy (124)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NIYAKAP ni Jericho si Nadine. Hinalikan sa labi. Idiniin. Nalanghap na naman niya ang mabangong hininga nito na katulad sa kasisilang na sanggol. Wala namang  reaksiyon si Nadine. Hindi katulad noon na ito pa ang unang humalik na parang nanghahamon. Ngayon ay parang takot si Nadine. Bakit kaya ganito si Nadine? Parang may kinatatakutan.

Hindi muna niya bibig­lain si Nadine. Baka may umaabala sa isipan kaya ganito ang nangyayari.

Inalis niya ang labi sa mga labi ni Nadine.

“Naka-lock ba ang pinto Nadine?’’

“Oo.’’

“Bakit parang may buma­bagabag sa iyo, Nadine. Pa­rang natatakot ka?”

“Kasi nga nakokonsensiya ako. Kung maaari nga ayaw kong mangyari ang gusto mo pero dahil mapilit ka, nagpapaubaya na lang ako.’’

“Maghahalikan lang naman tayo. Wala namang masama roon. Bahagi yun ng pagiging magsiyota…’’

“Paano kung madarang tayo?’’

“Hindi.’’

“Natatakot ako.’’

“Huwag kang matakot. Akong bahala.’’

“Isa pa, baka nga may makakita sa atin gaya nung nakaraan. Palagay ko nakahalata ang dalawang kasama ko rito na may ginagawa tayong di maganda.’’

“Hayaan mo sila. Baka    sila rin e gumagawa ng ganun.’’

Natahimik si Nadine.

“Ang bango ng hininga mo, Nadine.’’

Napangiti si Nadine.

“Lagi mo akong binobola, Jericho.’’

“Hindi kita binobola.’’

Pagkasabi ay hinalikan uli si Nadine at gumapang ang kanyang palad sa dati nang ginapangan noon.  Pero ngayon ay mas marahan ang paggapang.

Naramdaman niya na nagpapaubaya na si Nadine.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with