^

Punto Mo

Chinese doctor, ibinenta ang ari-arian para maalagaan ang mga pusakal at askal

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SI Weng Xiaoping ay isa sa mga kinikilalang doktor sa China ngunit nagretiro na siya at ngayon ay ginugugol na niya ang kanyang oras sa pag-aalaga ng mga aso at pusang kalye (askal at pusakal). Mas nakakamangha ang kanyang kuwento dahil ibinenta niya ang kanyang mga natitirang ari-arian na nagkakahalaga ng 1.8 milyong yuan (katumbas ng P13 milyon) para sa kanyang misyon na alagaan ang mga kaawa-awang hayop.

Gamit ang napagbentahan, nagpunta si Weng sa Taiping-qiao, Huzhou City at doon ay nagtayo ng isang sanktuwaryo para sa mga aso at pusang inabandona ng kanilang mga amo sa lansangan.

Ngayon ay daan-daan nang mga hayop ang dumaan sa pangangalaga ni Weng. Nagagawa niya ito sa tulong ng dalawang assistant na kanyang sinusuwelduhan gamit ang 7,000 yuan (katumbas ng higit na P50,000) mula sa kanyang buwanang pensiyon.

Madalas ay kinakapos din siya ng salapi para sa kanyang mga alaga. Umaabot kasi sa 50 kilong bigas ang nakakain ng mga hayop na nasa kanyang pangangalaga kaya minsan ay kailangan niyang umasa sa mga nagmamagandang loob na magdonasyon sa kanyang sanktuwaryo.

Ang pangunahing pinag-iisipan ngayon ni  Weng ay kung sino ang magmamana sa sanktuwaryong kanyang itinayo kapag siya ay matandang-matanda na. Umaasa siyang mamahalin din ng sinumang susunod sa kanyang yapak ang mga aso at pusang pinagbuhusan niya ng pag-aalaga.

vuukle comment

CHINESE DOCTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with