Kayod marino para sa priority bills sa Kamara
QUESEJODA - Butch M. Quejada (Pang-masa) - August 24, 2019 - 12:00am

PASPASAN ang pagkakapasa at wala pang isang buwan itong ginawa sa botong 184 - 2 sa House Bill 1026 o ang pagtaas ng excise tax rates sa mga alcohol products, heated tobacco at vapor products dahil ito ay isa sa mga priority bill ni Boss Digong.

Sa pamumuno ni House Speaker Alan Cayetano marami pa ring mga kongresista ang dumalo sa sesyon para lamang maaprubahan ang panukalang batas na ito.

Binasbasan na rin nina Cayetano at ng mayorya na apat na budget hea-rings ang gagawin araw-araw para mapabilis ang pagtalakay sa pambansang badyet at maaprubahan ito sa October 4. 

Sabi nga, kasabay ng marathon budget hearings ang mga pagdinig na gagawin ng ibang komite sa ibang panukala upang walang masayang na oras ang kongreso.

Naging maayos ang pagtatalaga ni Cayetano ng apat na deputy Speaker para mapabilis ang trabaho ng kamara dahil ang bawat isa sa kanila ay may tinututukang tulad ng edukasyon, climate change at iba pa.

Hindi biro ang trabahong ginagawa ng mga kongresista sa ngayon para hindi maulit ang diumano’y pangho-hostage sa national budget na naging resulta sa P1 billion umanong nawawala sa gobierno everyday.

Ano kaya ang masasabi rito ng mga kritiko na walang ginawa kundi ang buskahin ang mga magagandang gawain ng gobierno?

Ang panukalang pagtataas ng buwis sa mga alak ang pagkukunan ng fundings para sa Universal Health Care. 

Ika nga, gusto ng administrasyon ni Boss Digong na mawala o kahit na mabawasan ang iba’t ibang sakit dulot ng pagtoma ng alak gayundin mabawasan nang 10% ang alcohol consumption sa 2025.

Pagsisikapan nina Speaker Cayetano at mga kasamahan sa kongresista na maging ‘Congress of the madlang people’ ang Kamara kaya kailangan ang ‘work,work, work!’ Abangan.

• • • • • •

Dagdagan ang pondo para sa programa ng kawanggawa 

Dismayado ang House members sa mababang pondo ng PCSO, sa mga charity programs ang principal thrust nito.

Bakit?

Bumaba kasi ang PCSO’s average assistance per person mula P19,000 kada pasyente ay naging P16,000 na lamang ito.

Naku ha!

Ano ba ito?

Sabi nga, tinipid!

Habang nadaragdagan ang bilang ng mga taong tinutulu-ngan, ang average assistance ng bawat pasyente ay nababawasan naman.

Ano kaya ang mabuti rito? Abangan.

KAMARA
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with