Sugar Mommy (123)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - August 24, 2019 - 12:00am

“DIYAN ako natatakot, Jericho,” sabi ni Nadine habang nasa tapat ng mukha niya ang mukha naman ni Jericho. Gusto ni Jericho na malangha pa ng amoy hiningang sanggol ni Nadine. “Baka matukso akong pumayag sa hiling mo.’’

“Wala namang masama, Nadine. Para lalanghapin ko lang naman ang hininga mo. Hindi ko kasi malimutan ang nangyari noong nakaraang Biyernes. Sige na, Nadine…’’

Napahinga nang malalim si Nadine. Tila nahihirapang magpasya. Nalilito.

“Ano Nadine?’’

Nalilito si Nadine.

“Wala namang masama dahil magsiyota tayo. Hindi naman tayo lalampas doon.’’

Natahimik sila.

Maya-maya, nagsalita si Nadine.

“Sige na nga. Pero ganun lang ha?’’

“Oo.’’

“Salamat Nadine.’’

Umakma si Jericho para halikan si Nadine.

“Teka Jericho.”

“Bakit?’’

“Tingnan ko kung naka-lock ang pinto.”

Mabilis na tinungo ang pinto. Naka-lock.

Nang bumalik si Nadine, ginawa ni Jericho ang nais. (Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with