Sugar Mommy (122)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - August 23, 2019 - 12:00am

“BAKA may mangyari, Jericho. Ang umpisa raw nang malaki ay mula sa maliit. Paunti-unti muna hanggang lumaki na,” sabing matalinhaga ni Nadine.

“Maaari namang kontrolin, Nadine. Nasa sa atin na ‘yun kung hindi mag-iingat.’’

“Natatakot ako Jericho.’’

“Ba’t ka matatakot?’’

“Kasi’y hindi ko alam kung hanggang saan ako makatatanggi. Maaaring pumayag din ako sa gusto mo dahil nga pinipilit mo. Mahina rin ako, Jericho.’’

“’Yun naman pala at inaamin mong mahina ka rin e di huwag na nating problemahin pa ito. Basta kontrolin natin ang sarili na huwag umabot sa sukdulan ang ating ginagawa.’’
Napatango na lamang si Nadine.

Masusing tiningnan ni Jericho si Nadine.

“Ang ganda pala talaga ng lips mo Nadine. ‘Yan ba ang kissable lips?’’

Napangiti lang si Nadine na tila nahihiya dahil sa pagtitig ni Jericho sa mga labi niya.

“Kissable lips ba ‘yan?’’

“Ewan ko!’’

“Ang alam ko kissable lips yan. Kasi nalasahan ko na.’’
“Jericho, magsisimula ka na naman. Kaya nga ako natatakot dahil sa mga sinasabi mo…’’

“Wala namang masama sa sinabi ko. Nagsasabi lang ako ng totoo na ang mga labi mo e masarap halikan. Bukod dun, mabango rin ang hininga mo na parang hininga ng bagong silang na sanggol.’’

Napahagikgik si Nadine.

“Bakit amoy sanggol ang hininga mo Nadine?’’

“Ewan ko. Siguro’y dahil buung-buo ang mga ngipin ko.’’

“Amuyin ko nga!’’

“Jericho ha? Kaya ako natatakot dahil sa mga sinasabi mong ganyan.’’

“Amuyin ko lang ang hininga mo, tapos!’’

“Huwag na!’’

“Sige na Nadine. Kahit sandali lang.’’

Natigilan si Nadine.

(Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with