^

Punto Mo

‘Hamburger’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG babae ang bumili ng hamburger sa drive-thru. Galing siya sa trabaho at pauwi na. Masama ang kanyang pakiramdam at wala nang oras para magluto ng hapunan. Nag-iisa lang siyang namumuhay sa isang apartment. Pagdating sa bahay, napansin niyang walang burger patty ang kanyang hamburger. Ang nakasingit lang sa tinapay ay cheese, letsugas at mayonnaise. Hindi naman siya santo para hindi makadama ng pagkainis. Ibinalik ulit niya ang hamburger na walang burger patty sa pagkakabalot nito at planong ibalik ito sa restaurant.

Sa isipan niya, kanyang pinapagalitan ang taong nag-prepare ng hamburger na walang burger patty:

“Ang tanga-tanga naman. Mag-aaksaya ako ng gasoline para lang ibalik ang maling sandwich na ginawa mo para sa akin. Kung hindi ko naman ibabalik at babalewalain na lang ang lahat, wala naman akong kakainin. At saka kailangang ipaalam ko ang katangahang ginawa mo sa aking biniling hamburger.”

Pero napatigil ang babae. Ten years ago, noong working student pa siya ay naging staff siya ng isang fastfood restaurant. Maraming beses siyang naging “tanga” sa kanyang trabaho. Ito ang dahilan kung bakit paulit-ulit niyang naranasan na pahiyain siya ng store manager. Nakatatlong beses siya ng “katangahan moments”  kaya napatalsik siya sa trabaho.

Sa puntong iyon, biglang naawa ang babae sa kung sinumang gumawa ng maling hamburger. Natitiyak niyang sasabunin ito kagaya ng ginawa sa kanya tuwing magkakamali siya noon. Gusto niyang lamunin na lang siya ng lupa kaysa pagalitan na kaharap ang mga katrabaho.

Pero kahit may “katangahan”, nagtiyaga siyang mag-aral. May naawa sa kanyang tiyahin at pinagtapos siya ng kolehiyo. Ngayon ay accountant na siya sa kalaban ng fastfood na nagpatalsik sa kanya.

Hindi na itinuloy ng babae ang planong ibalik ang hamburger na walang burger patty. Patatawarin na lang niya ang taong nagkamaling gumawa ng palpak na hamburger. Kawawa naman kung mapapagalitan. Nagbukas na lang siya ng de latang Vienna sausage at iyon ang isiningit sa hamburger na walang burger patty. Hmm…natuklasan tuloy niya na masarap pala ang sausage  with cheese.

vuukle comment

DRIVE-THRU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with