^

Punto Mo

Paninirang puri sa pamamagitan ng pananalita, kailangang isampa sa loob ng 6 na buwan

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Atty.,

Maari ko bang sampahan ng kaso ang kapitbahay ko na inakusahan akong drug pusher sa harap ng napakaraming tao dito sa lugar namin? Mahigit isang taon na po ang pangyayari ngunit ngayon ko lang po napag-isipang magsampa ng kaso dahil pagkatapos po ng insidente ay kinailangan ko ng lumipad sa ibang bansa para magtrabaho.

Jeffrey

Dear Jeffrey,

Maaring oral defamation o slander ang ginawang pag-akusa sa iyo ng kapitbahay mo bilang drug pusher. Ang oral defamation, ayon sa Korte Suprema sa kasong Villanueva v. People [521 Phil. 191, 200 (2006)], ay tumutukoy sa pagbigkas ng mga mapanirang-puri na mga salita na mapaminsala sa reputasyon o hanapbuhay ng isang tao. Ito ay ang pagbibintang ng krimen, bisyo, o depekto, mapatotoo man ito o hindi, na nagdudulot ng pagkasira ng puri ng sinasabihan nito sa pamamagitan ng pananalita.

Bagama’t hindi mo inilahad ang konteksto ng pagtawag sa iyo ng drug pusher, maaring may oral defamation nga sa ginawang pag-aakusa sa iyo bilang isang drug pusher lalo na’t wala ka namang nabanggit na nagbibiruan lamang kayo at hindi ka naman hihingi ng payong legal kung tingin mo naman ay hindi malisyoso ang pagtawag sa iyong drug pusher ng kapitbahay mo.

Ngunit sa kabila nito ay hindi ka pa rin makakapagsampa ng kaso kung gugustuhin mo dahil anim na buwan lamang ang prescription o panahong inilalaan sa ilalim ng Article 90 ng Revised Penal Code (na inamyendahan ng Republic Act 4661) para sa mga magsasampa ng kasong kriminal para sa salang oral defamation. Ayon sa iyo, mahigit isang taon na ang pangyayari kaya paso na ang pagkakataon mong makapagsampa ng kriminal na reklamo.

Paalala lamang sa ating mga mambabasa na ang payong legal na nakasaad dito ay batay lamang sa inilahad ng sumulat at maaring hindi ito maging angkop sa ibang sitwasyon.

DRUG PUSHER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with