^

Punto Mo

Sugar Mommy (119)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MAUPO ka Jericho,” sabi ni Nadine. Naka-shorts at shirt si Nadine. Halatang bagong paligo dahil mamasa-masa pa ang buhok at nasamyo rin ni Jericho ang ginamit na shampoo.

“Salamat Nadine. Mas-yado ba akong maaga? Baka kulang ka pa sa tulog? Di ba, panggabi ang duty mo?’’

“Okey lang. Nakatulog ako nang husto.’’

“Kasi kung inaantok ka pa, e uuwi na ako para makatulog ka pa. Di ba mamayang hapon e duty ka na naman?’’

“Huwag! Okey lang ako, Jericho. Huwag kang umalis.’’

“Sige. Pero kapag nakadama ka ng antok e sabihin mo lang at aalis na ako. Naiintindihan ko ang kalagayan mo at ang trabaho mo.’’

“Okey lang ako.’’

“Sabagay, wala sa itsura mo na kulang sa tulog. Ang ganda-ganda mo pa rin.’’

Ngumiti nang bahagya si Nadine.

“Lalo kang gumaganda, Nadine. Sorry ha, pero nagsasabi lang ako ng totoo.’’

Napatungo si Nadine.

“Parang malungkot ka, Nadine. May problema ba?’’
Nagtaas ng ulo si Nadine.

Nagsalita nang marahan.

“’Yung tungkol sa nangyari sa atin nung nakaraang Biyernes…’’

“Anong tungkol dun, Nadine?’’

Hindi sumagot si Nadine. Nanatiling nakatingin sa kawalan.

Pagkatapos ay tumungo uli.

“Anong tungkol dun Nadine?’’

Napahinga si Nadine.

Nang magsalita ay parang maiiyak.

“Nahihiya ako sa nangyari sa atin Jericho. Bakit ako nagpaubaya sa’yo. Para akong mumurahing babae…’’

Hindi makapagsalita si Jericho.

Nakokonsensiya si Nadine. (Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with